XII: Bothered

1.4K 39 33
                                    

Ion POV

"Psst!"

Nilingon ko siya at binigyan ng nagtatanong na tingin.

"Galit ka?"tanong nya sakin habang nakasandal ang likod nya sa headboard ng kama at nakaupo.

Inilapag ko muna ang telepono ko sa sofa at itinabi naman ang bag ko na kanina ay kinakalkal ko.Umupo ako paharap sa kaniya.

"Bakit naman ako magagalit?"tanong ko pabalik sa kanya.Huminga siya ng malalim.

"Kasi pinalabas kita nong naguusap kami.?"parang di siguradong turan nya."Ewan.Nanahimik ka na lang kasi,pagbalik mo dito.."

"Wala naman akong dapat ikagalit diba?"mahinahong tanong ko sa kanya.Tumingin naman sya sa akin sa mata,bago ngumiti ng maikli.

"Wala.Syempre wala."simpleng sagot nya.Ngumiti nalang ako sa kanya bilang sagot at para mapanatag na lang din sya at wag nang isiping galit ako sa kanya o ano.

"Nagugutom ka ba?Gusto mo kumain.?"

"Hindi.Tama na muna yun,baka magloko na naman tong tiyan ko eh." Sagot nya at tumango naman ako.

"Magpapalit lang ako saglit.."paalam ko at dumiretso na sa banyo upang makapagpalit ng damit.Isinara ko ang pinto at binuksan ang gripo sa may lababo bago naghilamos sa harap ng salamin.

Hindi ko naman mapigilang hindi mapaisip sa nangyari kanina.

'Para san yon'?

'Bakit kailangan nya pang pumunta dito?'Antagal tagal na nyang nawawala sa eksena tapos bigla bigla nalang syang susulpot ulit.

'Ano bang pakay nya?'

"Huy tigil-tigilan mo ko Benigno ha.Ang harot harot mo."sambit nya at inirapan ako ng bahagya.

"Wala naman akong ginagawa ah.."painosenteng sabi ko.

"Anong wala?Nasa hospital kaya tayo,halik ka ng halik dyan,di ka na ba makapaghintay ha.?"

Natawa naman ako ng bahagya at umayos ng upo bago hinawakan muli ang isa nyang kamay.Ayses,ito pinakapaborito kung gawin eh,hawakan ang kamay nya.

NO more Tears, NO more Fears 🧡 ||VICEIONWhere stories live. Discover now