XIX: Part of the plan

796 29 26
                                    

Vice

"Sige Babe,pakisabi kay nanay,magpagaling sya ha?"sagot ko bago ibagsak ang sarili ko sa kama.Inipit ko sa kanang tenga at balikat ang cellphone ko habang ang kamay ko naman ay nakahawak sa tablet at naghahanap ng mga party music na gusto kong tugtugin para sa party ko bukas ng gabi.

"Sige."natahimik sya saglit pero alam kong hindi nya pa ibinababa ang tawag.

"Babe?"

"Hmmm?"

"Mahal na mahal kita,"napangiti ako.Hindi nyo lang alam ang pakiramdam ko kapag nagsasabi sya ng ganyan sa akin.Lalo na pag out of nowhere..

Palagi naman niya iyong sinasabi,pero iba kapag sa tagalog.Alam nyo yon?Pareho lang iyon,pero iba kasi kapag galing sa taong mahal mo diba?Parang mas tagos kapag 'Mahal kita' ,kapag english kasi o 'i love you',parang kahit nagpapasalamat ka lang nasasabi mo yun eh.Parang expression na lang pag natutuwa,pero yung 'mahal kita",iba eh.

"Alam ko.Mahal din kita,sobra."sagot ko."At miss na kita,mag-ingat ka diyan ha.."

"Mahal na mahal kita Babe,mahal na mahal.."ulit nya.Nakarinig ako ng pagsinghot.Kaya naalarma ako bigla,teka?Umiiyak ba siya?Teka muna bakit?

Bigla akong kinabahan.Ano ba to,napaparanoid ako.Pero bakit naman kasi sya iiyak eh ayos naman ang usapan namin.?

"Babe,huy!"sagot ko at napakapit ang dalawa kong kamay sa cellphone ko."Babe,anyare sayo?Umiiyak ka ba?"

Ilang segundo pa,bago sya nakasagot."Hindi-hindi,ah sinisipon lang ako,medyo mabigat lang yung ulo ko."sagot nya at muli ulit akong nakarinig ng singhot.

"Ah ganun ba?Ahm,magpahinga kana muna Babe,uminom ka ng gamot dyan ha.Wag kang magkakasakit please lang,mag aalala ako.." napahinga ako ng malalim.

"Opo,magpahinga kana rin..Sige na Babe,ikaw din,kumain ka diyan,tsaka matulog ka ng maaga mamaya ha?Pagkatapos ng hapunan nyo,magpahinga kana.Kelangan mo ng lakas para bukas."ngumiti ako kasabay ng unti unting pagkawala ng pangamba ko kanina.

"Sige.Magpahinga kana,I miss you and I love you."

"Mahal na mahal kita Reyna ko."

Ako na ang tumapos ng tawag.Ugh,i really miss my boyfriend.Nung narinig ko sya kanina pakiramdam ko may mali eh.Pero hindi,napapraning lang ako.Masama lang siguro talaga ang pakiramdam nya dahil sya ang nag aalaga kay nanay.Bakit ba ko kinakabahan?Haist.

Nang matapos na ako sa paghahanap at pagpili ng mga music ay napagpasyahan ko na ring bumaba.

Naabutan ko namang naghahanda ng meryenda ang mga bakla dahil masyado pa daw maaga para sa hapunan kaya meryenda muna.Samantalang si Kitty naman ay nasa malapit lang kay Buern na ngayon ay may kausap sa telepono at mukhang seryoso ang napag-uusapan nila.

"Bukas ng umaga,as in maaga talaga,"ani Buern."Dito mo na lang kunin.Dito ako matutulog eh,.Okay,kami nang bahala."

"Mah,meryenda na..!"sigaw ni Orli.Napatingin naman ang dalawa sa akin at nagkatinginan muna.Tumalikod ako at naglakad papunta sa meryendang nakahain.Well,di na ako nagtaka kung bakit ganun ang mukha nila.

"Meh kanina ka pa diyan?"tanong ni Kitty na nakasunod sakin.Sumunod naman na dumating si Buern.

"Kabababa ko lang,"kumagat ako sa turon.Sabi ko na lang yon, dahil alam kong natatakot silang baka mabuking sila.Alam ko namang may surprise sila.

Gosh,antagal ko nang hindi nakakain ng saging,na saba.Puro avocado kasi pinapakain sakin ng jowa ko hihi.Nakakamiss pala yung saging,namiss ko bigla si Jhong.Lol.

"Ay ate,naayos ko na yung kwarto,"ani ate Marivic.

"Sige salamat,parating na iyon sila nanay,mamaya.Pero baka mahuli,ipagtira nyo na lang ng makakain."sagot ko naman.

"Eh Meh,ang sabi hindi pa daw,sasama yung mga bata,sina Camille tsaka Christian,"singit naman ni Orli."May tatapusin pa raw,hapon na lang yata sila makakarating,baka hindi na sila makanuod sa prod mo.."

Sa bagay,mga pala-aral naman ang mga pamangkin kong iyon,at tsaka marami nga pala talaga silang hinahabol na school papers.

"Okay na iyon,"tanging sagot ko tsaka nakisama ng chikahan sa mga bakla.

---------


General

"Wow naman,"pagkapasok na pagkapasok palang nila karylle sa venue ay halos mapanganga na sila sa ganda ng paligid.Napakagaganda kasi ng mga disenyo at palamuti sa paligid,alam nilang mahilig sa ganito si Vice,at bongga naman ang mga party nyang idinadaos ,ngunit mas pinabongga lang ito ngayon.

"Tuwang-tuwa na naman to si bakla bukas,grabeng pasabog!"

"Grabe tong party ni Brad!"

"This is so extravagant!."napalingon ang dalawang lalaki sa kanya.

"Ayos yun K,kami nga panay 'grabe' lang ang lumabas sa bibig namin,ang arte naman neto.."ani Jhong at nagpeace sign na lamang ang huli.

Pagkatapos na pagkatapos ng live show ay napagpasyahan nilang silipin ang venue ng party ng kaibigang bakla para bukas.

Naglilibot libot lang sila at nakikipagbatian at kamustahan sa mga naroon.

"Hindi pa nga tapos yan kuya,marami pang kulang but we make sure na,matatapos naman namin to,andami kaya naming nagtutulungan.."sabi ng isang miyembro ng team vice.
Lumapit ang isa pang lalaki sa kanya at kumaway kina Vhong na katabi nito.

"Hello po.."bumaling ito sa isa."Kuya,andyan na yung mga pinadala ni Doktora Belo.."tumango naman ito at nagpaalam na.

Abalang abala ang lahat sa pagaayos ngunit habang nagtatrabaho ay hindi nakikitaan ng pagod ang mga ito.

"Ang shala naman,may pahelp si doktora Belo.."ani K ng nakasakay na sila sa elevator pababa mula sa venue.

"Alam mo naman yon' si bakla, maraming nagmamahal ron.."sagot ni Jhong habang nakasandal.Napangiti naman ito ng matamis."Haisst,cutiepie ko.Ibang-iba na talaga,inuulan ng pagmamahal.."

"Alam mo kuys nanghinayang ako sa inyo noon,"sambit ni Karylle.."Yah Jhice,!si direk lang kasi daot before eh.."

"Naalala ko lang tuloy yung cutiepie loveteam namin noon.."natawa pa ito ng bahagya."Shocks,ang panget ko pa,ang panget pa natin non',"

"Ay kayo lang,ganto na talaga ako noon pa.."pagmamayabang ni Vhong.Nagtawanan naman sila sa loob.

"Hahahaa,akala mo naman walang Vhoice noon,"nakangising sambit ni Jhong bago inilagay sa bulsa ang kanang kamay."If i know kuys,nagkaroon ka rin.."makahulugan nitong sambit.

Napangiti naman ang huli.

"Ayiiieee!Vhoice!Jhice!"

"Ewan ko ba ang panget naman ni Brad,pero ano..."natawa pa ito.."Hahahhahhah"

"Eh,alam mo naman yun si bakla.."inayos nito ang buhok saka naglakad palabas ng bumukas ang elevator."Parang may magic kasi talaga yon,kapag napalapit ka sa kanya at makakapalagayan mo talaga ng loob.Its either mapapamahal ka sa kanya,o mapapamahal ka talaga sa kanya,the other way.."

"Sinabi mo pa.."sagot ni Vhong.Patuloy lang sila sa paglalakad."Pag pumasok ka sa buhay nyan,ang ibibigay nya lang na choice sayo,eh 'mamahalin mo sya,o mamahalin mo sya ng sobra.."

"Naks naman,ang haba ng hair ni Vicey.."ani Karylle.

"Kalahati ka din ng Vicerylle,K!" tumawa na lamang ito.

--

Vomment!!sorry sa typos..Sabaw sabaw 🤣

may kasunod pa to hahahahaa sulitin ko na yung mga drafts ko para next month na ko mag ud ✌

IG:chellelaxx_27
twitter:cheeeitsvglp

NO more Tears, NO more Fears 🧡 ||VICEIONWhere stories live. Discover now