XXXII : Malalim

1.1K 39 15
                                    

VICE

Ilang oras na akong nakatitig sa pader nitong kwarto namin. Hatingabi na pero hindi pa rin ako makatulog kahit pa inaantok naman talaga ako .

Sige sabihin nyo nga sakin kung pano ako matutulog ng ganito ang nararamdaman ko? Paano ko ipipikit ang mata ko kung naiisip ko na agad na baka umalis na naman sya pag gising ko? Pano ko mananaginip kung ngayon palang parang binabangungot na ako?

Kasi hindi naman kami ganito. Hindi ako sanay sa ganito. At ayokong masanay sa ganito. Hindi pwede.

Humarap ako sa kanya at pinagmasdan ko na lamang ang katawan nyang nakatalikod sa akin.

Oo,magkasama kami sa kwarto.

Oo,magkasama kami sa iisang kama.

Pero pakiramdam ko ang layo layo ko sa kaniya.

Gusto ko syang yakapin at maramdaman ang paghalik nya sa noo ko tuwing didikit ako sa kanya.

Namimiss ko na sya!

Ang bigat bigat pero hindi singbigat ng naramdaman ko kanina nung sinabi nyang 'parang gusto ko na munang magpahinga'. Akala ko kung ano ang ibig nyang sabihin at hindi ko naman na sya pinilit dahil baka tuluyang pagpapahinga na ng relasyon namin ang mangyari.

At ayoko 'non. Hindi ko ata kaya.

Napapunas na lang ako ng luha ng maramdamang may pumatak sa pisngi ko. Tumalikod ako at hinarap na lamang muli ang pader. Ipinikit ko na lamang ang mata ko at hinintay na baka sakali ay makatulog rin ako.

Nagising ako't agad na napabalikwas ng bangon.

'Great!Nakatulog ako'

Inalis ko ang kumot na nakatabon sa katawan ko at kahit papaano ay napangiti ako dahil nagising akong nakakumot at ibig sabihin 'non ay hindi naman nawala yung pagaalala nya sa akin.

'Kahit pa natiis ka niya kagabi?'

Umiling na lang ako. Hindi dapat pangunahan ng negativity tong utak ko at di dapat ako magpaapekto,kaya gumugulo lalo yung sitwasyon eh. Kasi nagpapadala ako 'ron.

Tinignan ko ang orasan at napanguso ako ng makitang alas nuwebe na.Shet wala talaga akong tiwala sa sarili ko pagdating sa paggising ng maaga.

Inayos ko ang higaan pagkatapos ay inayos ko ang sarili ko bago bumaba.

Kalmado naman na ako ngayon. Hindi naman ugali ni Ion na mangiwan na lang bigla. Well,pag masama ang loob nya oo,umiiwas. Pero hindi naman sa puntong iiwan na nya ako talaga.

Nadatnan ko siyang tahimik na nagluluto ng almusal. Hindi kagaya ng dati,tahimik lang sya ngayon kumpara noon na kumakanta pa o sumasayaw pa sya sa harap ng kawali.

Tumikhim ako para makuha ang atensyon nya at agad naman nya akong nilingon.Ngumiti lamang sya ng tipid saka binalik ang tingin sa niluluto.

"Goodmorning."bati nya.

"Goodmorning."sagot ko rin.

Nanahimik na lamang ako dahil hindi ko rin naman alam kung pano ako makikipagusap sa kanya at kung anong paguusapan namin.

Sa tingin ko naman hindi ko pa dapat ipilit na naman. Lalo nat napakaaga pa at maaring pagmulan na naman ng away namin. Lately napapansin ko kasing mabilis maubos ang pasensya ko.

Kaya siguro ang bilis naming magaway kasi kunting kibot mainit na agad ang ulo ko. Kaya dapat kalma lang ako. Hayaan ko na lamang na sya ang mag open up 'nong problema at kusang sabihin iyon.

Inilapag nya sa harap ko ang pagkain at ipinagsandok rin ako ng pagkain.Nagdasal kami bago nagsimulang kumain.

"Last taping nyo na iyon kahapon diba?Papasok ka ba sa showtime ngayon?"tanong ko.

NO more Tears, NO more Fears 🧡 ||VICEIONWhere stories live. Discover now