XXXX : Back

1.4K 51 41
                                    

General

"Magpapakita ka talaga during the live show me?" Tanong ni Kitty.

"Oo. Pajuliet juliet ka diyan."sagot nito habang ngumunguya pa ng banana cue na dinala ni Archie papunta sa bahay niya.

"Sure na mah? Wala ng atrasan yan?"

Kumunot naman ang noo nya sa sinabi ni Buern.

"Bakit ba? Ayaw niyo na ba magtrabaho sakin?"tanong ni Vice.

"Parang.."sabay na sabi nina Aaron ,Archie, at Buern.

"Ah talaga."pabiro nyang pinutol ang stick na hawak saka binato sa kanila."Di manlang nagdeny."

"Charot."sambit ni Aaron."Syempre naman namimiss din namin yung dressing room mo eh."

"Echosero." Umirap pa ito.

"Pero mah. Maiba naman tayo. Okay ka naman na diba?"seryosong saad ni Buern.

"Oh"sagot ni Vice na bahagya pa ring ngumunguya sa sarap na sarap siyang banana cue.

"May communication na ba kayo ni Ion ulit?"tanong nya.

Natigilan ang bakla at hindi agad nakasagot. Dahan dahan itong napanguya at binaba sa plato ang panibagong stick ng banana cue na hawak nya. Pasimple namang nagtinginan ang mga bakla sa pagaalalang baka makaapekto na naman ito sa kaibigan.

Malungkot siyang napayuko. Magsasalita na sana sila ng biglang tumawa ang bakla.

"Charot!"natatawang sabi nito."Ano ko drama queen? Bakit ganyan mukha niyo?"

"Eh kasi.."

Tumawa ulit sya."Para namang mga sira to oh. Pero yung tanong mo Buern, wala pa. Hindi pa kami nakakapagusap o text."

"Eh bakit hindi?"pag-usisa ni Kitty.

"Anong bakit hindi?"kunot noon nyang tanong.

"Hindi pa siya nagrereach out o ikaw?"singit ni Archie.

"Both?"patanong nyang sagot na ikinakunot noo nila.

"Hala meme, hindi ka mawawalan kung ikaw ang kikilos."Sabi naman ni Aaron habang lumalafang din."Wag mo na siyang hintayin."

"Oo nga me." Sabat ni Kitty. "Wag ka nang pabebe. Ikaw na magfirst move."

"Hindi naman ako pabebe no."sagot niya.

"Ano lang? Takot?"

Tinignan nyang matalim si Archie."Hindi rin. Naghihintay lang ako ng tamang oras. Hindi lang naman ako yung kinailangang magpahinga eh, pati siya."

"Me,one last question. What happen sa DR ni kuya Vhong nung sinet up kayo ron? Diba sabi mo nagpaalam na siya non?"Ani Archie."Nagcool off ba kayo non o nag-split?"

NO more Tears, NO more Fears 🧡 ||VICEIONWhere stories live. Discover now