Chapter Twenty-seven

100 6 0
                                    


Hindi na natapos ang pagdiwang ng mga kasamahan ko dito. Nag-inuman na silang lahat. Nakikinig lamang ako sa kanilang mga kwentuhan. Si Dennise ay napiling tulungan sina Nanay sa pagbibigay ng mga pagkain at asikaso sa mga panauhin.

Ang pagbisita niya na dapat at pananghalian lamang ay nauwi sa pagdiwang. Bigla akong naawa sa asawa ko. Dapat ay mamasyal kami sa rancho ngunit ang sitwasyon namin ay hindi kami pinapayagan. Nang makita siyang nakatayo sa gilid at pinahid ang kanyang noo, tumayo na ako at hinayaan na ang mga kasama sa kwentuhan.

Napansin niya ako kaagad nang nakalapit sa kanya. Ngumiti siya sa akin.

“You need to rest.” magsasalita pa sana ngunit umiling ako sa kanya.

Sumilip ako sa hamba ng pintuan at nakitang si Aling Baleng lang andoon nagluluto.

“Aling baleng, kukunin ko muna to si Dennise.” paalam ko.

Hindi na ako naghintay ng sasabihin pa ni Aling Baleng. Hinawakan ko ang kanyang kamay at pinagsiklop ang daliri naming dalawa. Hinila ko siya paalis ng mansyon. Naririnig pa rin ang ingay nila sa loob. Kamusta naman kaya ang mga pamangkin ko?

“Saan tayo pupunta?” tanong niya.

“Ipapasyal nga kita dito.” tumawa lamang sya at tumango.

“Malalagot ako kay ate Linda kapag mapansin niyang tinakas mo ko.” pagbabanta niya.

“Sus. Wala naman siyang magawa. Andito na tayo.” she chuckled.

Binuksan ko ang harang para makadaan kami ng maayos. Makikita mo kaagad ang maisan dito. Nakahilera lamang ang mga pananim ko depende sa klase. Mauuna ang gulay, prutas at mga wet foods. Masyadong malawak ito.

“Magsabi ka lang kung masakit na ang paa mo.” tumango siya sa akin.

Naglakad kami papasok sa maisan. Hindi mo makikita ang nasa likod nito dahil masyado na itong matangkad. Ilang columns pa ng maisan ang madadaanan mo at makikita mo na ang malawak na taniman ng gulay. Wala nang tao doon dahil lahat sila ay nasa bahay nagdidiwang.

“Ang ganda!” komento niya. Natawa ako doon.

May isang straw hat sa gilid, tanto ko ay naiwan nanaman. Isinuot ko iyon sa kanyang ulo para hindi siya masyadong maarawan. She giggled upon receiving the hat in her head. We continued walking, we stop when she wanted to look for a vegetable or eat it like the cucumber she’s holding now and eating it time to time.

“Ang saya naman dito. Hindi mo na kailangan mamalengke o makakatipid ka sa pagkain mo.” sabi niya pagkatapos kumagat sa pipino na hawak.

“Masaya talaga. Stress relieving pa. Mahirap nga lang pero para sa ikaka-unlad ng trabaho, kakayanin.” siniko niya ako at humagikhik siya sa reaksyon ko.

“Masakit yun, ah!” reklamo ko. Natawa naman siya.

“Proud na proud ako sayo!” Ah. My heart. Parang may kung anong humaplos sa akin at nanghihina ako.

Nang nasa prutas kami ay panay ang kuha niya doon na ikinatawa ko. Kung hindi ko ito kilala, mapagkakamalang magnanakaw talaga sya. Kumuha ako ng isang bayong sa isang bahay na maliit na gawa sa nipa kung saan nagpapahinga ang mga nagtatanim. Nilagay niya naman ang mga kinuha niya doon.

“Buti na lang pala pumunta tayo dito! Daming pagkain! Mas masaya pa to kaysa sa refrigerator!” humalakhak ako sa kanya.

“You enjoyed?” tanong ko habang andito kami sa maliit na bahay ng nipa, nagpapahinga. Tumango siya.

Tinignan niya naman isa-isa ang mga prutas na kinuha. Napataas ang kilay ko ng may makitang dalawang pipino na naroon. Tinignan ko siya bago ko binalik ang tingin sa dalawang pipino na out of place doon sa bayong na puro prutas.

Yellow Ribbon Where stories live. Discover now