Chapter Thirteen

91 6 0
                                    

“Papakasal sya kay Joji?”

Hindi pa rin ako makapaniwala. Ilang beses akong huminga ng malalim bago iyon pumasok sa kokote ko. Hindi naman siguro magsisinungaling ang mga magulan ni Joji sa akin di ba? Even Joji assured me that his parents like me. So, what’s this all about?

Ako naman ngayon ang problemado. Teka lang,

“Sigurado ba talaga siyang magpapakasal sya doon?” I said, like I asked her how many times already with the same action she’s been doing- nod.

“With that age?” tumango lamang sya.

“Alam niya ba ang consequence ng pagpapakasal? O di naman kaya kilala ba siya nung lalaki?”

“Kilala niyo yung lalaki, pero yung lalaki, kilala ka.” umaliwalas ang aking reaksyon doon.

She smiled timidly to me before diverting her eyes to her hands.

“I know about you and Joji. I saw you both at the amusement park during intramurals.”

Her smile. It wasn’t sad or any sign of grief like how she reacted to Arlet’s announcement earlier. It was more like happiness.

“Alam ko ang tungkpl sa inyo. I was kind of waiting for you to tell us about it, I feel betrayed until now that you still keeping it a secret. Crush ko iyon ng matagal at alam ko din sino ang gusto niya. It was you.”

Kumunot lamang ang noo ko. Nagtataka man ay hinayaan ko syang magkwento.

“Since junior high, nakwento ko pa nga iyon sya sayo pero hindi mo naman pinunan ng atensyon. Syempre, crush ko yung isang Daniel, crush ko din naman sya. Bata pa ako noon kaya hanggang crush-crush lang muna.”

Natawa ako, ganoon din siya. Umiling sya bago nagssalita muli. Bumuntong-hinga sya at nagseryoso ulit ang kanyang mukha.

“Sinabi ko din sayo na malapit si Joji sa mga pinsan mo. Siguro, dahil sheltered child ka ay baka hindi mo sya kilala. Kaya binigyan mo lang ako ng kakaibang-tingin noon at sinabi mong hindi mo sya kilalla. Naniwala ako kasi hindi ka naman marunong magsinungaling.”

Pagkatapos syang magbaba ng tingin ay ako naman ang tinignan niya. Noong unang tingin ay aakalain kong ako ang tinitignan ng kanyang mga mata ngunit nakatutok ito sa aking buhok. Napahawak ako sa lasong nasa gamit kong pantali ngayon.

"He gave you the ribbon to declare that you are his girl. Everyone knew that except you. Hindi ko na din sinabi sayo. Wala kang alam sa nangyayari sa paligid mo, ang nasa utak mo lamang ay school at school."

Ngumiwi ako dahil totoo yun. I heard her chuckled at my reaction.

"Kaya kahit crush na crush ko sya, tanggap ko ding patay na patay sya sa bestfriend ko. May kutob na din ako dyan kay Arlet kasi ako lagi ang kasama niya. She brags about marriages, how rich she is, even though it was only an agency to brag, but at least, she have the confident. Binabalewala ko lang yun."

"But the way she treats me, napuno ako kanina. Lalo na at plano niyang ipagmayabang iyon sayo. Lagi naman eh, ikaw lang itong hindi apektado sa pagiging mayabang niya." bumitaw sya ng malalim na paghinga.

"I know you would act because its about Joji. Kahit naman siguro hindi mo pa mahal yung tao, alam ko naman gusto mo sya. She can treat me awfully, but not you. Pinagtatakpan ko itong mga pinanggagawa noya sa akin at patago niyang patama sayo kasi alam kong hindi mo kakakayanin."

"That's not true." I interrupted. Tumigil sya sa pagsalita. I smiled. I held her hands. Like we used to hold our hands together.

"First of all, I am thanking you for being my bestfriend. Second, I'm sorry if I was oblivious to your problems and even the toxicity of that girl. Masyado akong abala sa buong buhay ko, at medyo nakalimutan kita. I admit that I have my own world. I'm sorry, Bonny." I hugged her.

Yellow Ribbon Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon