Start

636 17 2
                                    

Ang tunog ng oras lamang ang aming naririnig sa kalagitnaan ng pagsusulit. Ang kamay ng orasan ay dahan-dahan naming hinihintay na mapunta ito sa tamang numero at sa tamang bilang ng pag-ikot. Ang pawis na bumabalot sa aming noo, ang paghinga nang malalim at ang galaw ng aming kamay sa pagsasagot matapos basahin ang tanong na nasa papel na animo’y nakasalalay ang kapalaran namin dito.

I slowly put my pen down when I finished our subject exam, at the same time the alarm in school ring. I breath humongous inside my body to let out all the tensions in my nerves and gave my paper to our teacher infront.

Isa-isa akong nilingon ng mga kaklase ko dahil ako ang unang nagbigay ng papel.

“What are you staring at? Pass your paper.”

Napapikit ako habang inaabot ang papel sa guro na agad niya namang kinuha sa kamay ko kaya tinalikuran ko na sya at bumalik sa kinauupuan.

She was one of those strict subject teachers which is why nobody dares to disobey her. Isa-isang lumapit sa kanya ang mga kaklase ko kahit na kabado at hindi sigurado sa sagot.

“Nahirapan ka ba sa exam niya?” I looked at Arlet.

Kakabalik niya lang sa upuan niyang katabi ng upuan ko dahil iyon ang designated places namin.

“Hindi ko alam. Sinagot ko lang ang dapat sagutin.”

Inalis ko ang tingin ko sa kanya at binuksan ang bag ko para ilagay doon ang mga nagamit kong gamit kanin sa exam.

“Buti ka pa parang confident sa mga sagot mo.” habol niya, ngumiwi ako.

“Hindi sa confident, wala na akong magagawa.” ngumisi lang sya sa harap ko, bago sya umiling.

Tinawag na sya nang kanyang kasama, kaya hindi na sa akin natuon ang pansin niya.

“Hoy Arlet! Cleaners tayo ngayon!”

Hinanda ko na ang sarili bago ako tumayo para lumabas ng classroom. Pwede naman kami umuwi ng lunch time, yun ay kung malapit lang ang bahay mo sa eskwelahan. Napagdesisyon ko na rin na hindi muna ako uuwi ngayong araw, nakapagdala ako ng baong kanina at ulam na niluto ko kanina.

“Den! Uuwi ka sa inyo?” si Bon na hinabol ako sa hallway.

“Hindi. Bibili lang ng maiinumin sa canteen.”

“Sama ako!” tumango ako sa kanya bago nagpatuloy sa paglalakad.

“Algebra nanaman ang sunod na exam natin.” tumango ako.

“Nakapag-aral ka ba? Kanina sa history na mental blank ako.”

Ang dami niya pang reklamo sa naging exam namin kanina na hindi ko na nasundan ang kinukwento niya sa sobrang bilis. Nakababa na kami ng building, hindi pa rin sya naubusan sa pagkukwento. Hanggang sa natanaw na namin ang canteen at natanaw namin ang ultimate crush niya kaya doon lang sya tumigil sa pagsasalita,

“Hala! Si Joker!” patago niyang tili sa gilid kaya pinakalma ko na sya sa lugar nya.

Ayaw ko naman masira yung invisible image ko dito sa school. Nasa junior high pa lang kami kaya dapat matapos ko tong school year ng tahimik.

Saktong papalapit kami sa canteen ay ganoon din ang kinahahangaan niya, wala akong nagawa kundi hawakan sa kamay si Bonita dahil baka mahimatay ito kung mas lalong lalapit kami at ganitong distansya pa lang nga ay nangingisay na sya dito sa tabi ko.

“Halika na, Bon. Baka maubusan tayo ng oras dito, mamaya mo na pagpantasyahan iyan.” sabi ko at hinila na sya.

Nasa linya na kami at nasa likod ko si Bon, panay lamang ang tingin ko sa unahan at sinisilip sa kung ano lang ang binibenta doon sa canteen. Habang ang kasama ko sa likod ay t-in-orture na ang kamay kong hawak niya. I winced whenever she squeeze my hand.

Yellow Ribbon Where stories live. Discover now