Chapter Eight

104 6 0
                                    

Sa ilang araw namin na hindi magkasama alam ko na kung bakit madilim ang paningin niya habang tinitignan ako sa pintuan. He close the door behind him and walked towards me. Hilaw akong ngumiti sa kanya kahit na ang sakit nung tingin niya sa mata ko. I think its too much?

Nakaupo ako sa bean bag. Akala ko uupo sya sa sofa na nasa likod ko, mas pinili niyang umupo sa carpet ng floor na katabi ko, tinignan niya pa ang mga pagkain na nasa lamesa. Umusog pa ako ng kaunti palayo sa kanya ng dahan-dahan para hindi niya mapansin, nakita niya iyon kaya nilingon niya na ako.

Hindi pa rin naalis ang hilaw kong ngiti sa kanya, kahit na parang tumutusok talaga yung galit na titig niya. Halatang-halata ang pikon sa ginagawa ko sa kanya nitong mga nagdaang araw. We both didn’t speak. Tinitigan niya lamang ako, hinihintay akong magsalita ngunit wala talagang lumalabas sa bibig ko kahit ibuka ko pa ito. He sighed.

“Kung hindi ka pa handa, sana hindi mo na lang ako sinagot agad.”

Seryoso ang kanyang mga mata. Yumuko ako at hindi mapigilang ngumuso. Hindi naman iyon ganun.

“Bakit mo ba ako sinagot kung iiwasan mo lang ako? Its lucky that we enrolled in the same school, if not, I don’t know what to do. Anong problema, Dennise?” banayad ang kanyang boses.

Now, I feel more guilty. I bit my lower lip and tried to look at him longer, but failed to do so after one glance. Nangungusap ang mga mata niya. Kumikislap ang mga ito at ipinapakita nito na wala syang maintindihan sa mga nangyayari.

Iniiwasan ko siya sa campus. Hatid -sundo niya ako sa bahay namin, ngunit kapag naman nakapasok na kaming dalawa sa campus ay sinusubukan kong takbuhan sya o di kaya lumayo. Napapansin na rin siya nina Arlet dahil lagi raw sunod ng sunod sa akin. Kung hindi naman nakasunod ay tinitignan ako sa malayo. I know. I’m being unreasonable. I just don’t know how to act normally with him knowing that he’s my boyfriend.

Noong una, ginawa kong rason ang inis ko sa kanya dahil sa pagiging torpe niya, ngunit habang tumatagal na umabot na sa dalawang linggo, parang ang babaw naman ng rason na iyon. Ganoon din ang sinabi niya sa akin sa tawagan namin tuwing gabi. He never faltered in his persuasion as a boyfriend. It was dreamy for me, but I think I’m giving him nightmare.

He did tell me that he was staying here - in ate Jan’s house, for the meantime. Narinig kong bumuntong-hininga sya. Nilakasan ko na ang loob kong sulyapan sya ulit. Parang gusto ko na lang humikbi dahil sa emosyon na ipinapakita niya sa akin. Naka-ukit ang malungkot na ngiti sa kanyang labi. Wala akong ibang ginawa kundi ang yakapin siya.

“I’m sorry.” yun lang ang nasabi ko sa kanya. May munting hikbi pang lumalabas kahit na pinipigilan ko.

Niyakap niya ako pabalik. Tumingala ako sa kanya.

“Anong problema, Dennise? Makapaghintay naman ako.” umiling ako.

“Hindi naman yun. Nahihiya lang ako. Hindi ko din alam kung paano ka pakitunguhan. Natatakot din akong saktan ka, ganun. First time ko to.” kumunot ang kanyang noo. Hindi makapaniwala sa sinabi ko.

“Una din kita pero hindi naman ako ganyan ka-oa katulad mo.” ngumuso ako sa kanya. Handa na akong pagalitan.

“Hindi pa rin tama yung ginawa mo. Hindi sapat na sa tawag lang tayo nag-uusap, kapag sinusundo o hinahatid kita ang tahimik mo.” yumuko na ako, nanliliit sa sermon niya.

Hindi naman ata sermon yan eh ang banayad nang pananalita niya. Parang takot syang masaktan ako kaya ganoon ang boses niya.

“And it depends on me if I was hurting or not. But, what you did these days really hurts.”

Yellow Ribbon Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon