Chapter Twenty

84 7 0
                                    

Hindi ko alam para saan o bakit ngayong araw ay tinali na nila ang aking mga kamay. Akala ko ay habang buhay na akong makukulong dito. Binibilang ko ang mga araw nang paglagi base sa pagpunta nila dito para magbigay ng pagkain. Mag-isang buwan na akong nagtitiis sa lamig ng semento, ang dilim na dati hindi ako takot ngunit ngayon ay nababalot na ako ng kakaibang imahinasyon na dapat ay wala sa aking isipan.

Ang ilaw na nanggagaling sa labas ng kwarto na angy sinag na pumapasok sa loob ng bintana ng pintuan. Bumubukas lamang iyon kapag bumibisita ang boss o di kaya ay pumupunta ang lalaking mag-aabot lamang sa akin ng pagkain. Iyon na lamang ang pinapasalamatan ko dahil sa maayos na pagbigay ng pagkain.

Kaya ngayon ay hindi ko maintindihan kung para saan ang pagtali ng aking mga kamay. Kahit hindi ako matalino ay mahahalata pa rin ang pagkakaiba ng araw na ito. Ang mga kaninang patay na ilaw sa labas ay nakabukas rin. Andyan ba ang boss?

Hindi ko alam kung bakit tuwing na dumadating ang boss ay may kaunting tuwa akong naramdaman. SIguro, dahil kapag andyan siya ay hindi ako ginagalaw ng kanyang tauhan, nandoon lamang siya at nagmamasid tuwing kumakain ako.

HIndi rin nawawala ang pag-asa ko na mahanap nina Mama o kaya sina Ate Faith at ate Jan. Ilang araw akong umiyak ngunit natuto akong makontento sa kung ano mang ibinibigay sa akin ng mga taong ito.

Hindi ko na rin magawang manlaban dahil sa katawan pa lang ay hindi na iyon pantay. Alam kong mapupuruhan ako sa huli.

Maya-maya ay ay bumukas ang pintuan ng kwarto. Dahil sa ilaw ay nasilawan pa ako roon. Pinikit ko ang mga mata at yumuko ng bahagya para maiwasan ang sinag. Pagkatapos ay natabunan ang ilaw ng dalawang tao.

“Tayo na dyan bata!” sabi nung unang lalaking pumasok.

Hindi ako nakinig kaya tinaasan nila ako ng kilay.

“Tumayo kana sabi, eh!” sisipain pa sana ako noong nagsalita ngunit may tumikhim sa likod nila kaya hindi natuloy ang balak niya.

“Baka naman kayo ang sipain ko dyan. Bata lang yan, ginaganyan niyo.” inis niyang sabi.

Tumingala ako doon. Kumpara sa dalawa, maayos ang kanyang pananamit dahil nakasuot siya ng amerikano at isang sumbrero.

“Dalhin niyo na yan sa truck.”

Kahit hindi ko maintindihan ay sumunod ako sa kanila. Tulala ako habang naglalakad sa maduming pasilyo ng lugar. Sobrang dilim dito, kung hindi lang sa dilaw na ilaw ay baka nga mas madilim pa. Naunang maglakad yung lalaking pormal ang suot at sa likod ko naman yung dalawang kasama niya.

Tinignan ko ang kanyang likod. Hindi siya ang boss na laging pumupunta sa akin.

Nanghina ako nang maalala na baka binenta na nga ako ni boss. Hindi ko alam. Kapag naman umalis ako dito ay alam kong hindi na nga ako makikita nina Mama at mas lalo silang mahihirapang hanapin ako. Napahikbi ako sa aking sitwasyon. Hindi ko alam. Gusto ko na lamang maging matanda, gusto ko nang lumaki para wala ako sa sitwasyon ito. Baka natulungan ko pa si ate Jan sa pagtakas noong araw na yun. Si ate Jan na pinainom ng mga salbahing lalaki at binugbog pa, naiwan nang walang malay sa park.

Naluha-luha ako nang maalala ang mga iyon. Ano bang ginawa kong masama? Ano ba yung mali ko?

Narinig ko ang pagkalampag ng kung ano man sa aking harapan. Nakalabas na kami sa lugar ngunit ang aking atensyon ay wala sa kung ano man ang nangyayari sa akin ngayon. Patuloy akong naglakad o ginawa ang kanilang inuutos, ngunit walang reaksyon silang natatangap.

“Ilang taon kana?” tanong ng babaeng katabi ko.

May mga tali ang aming mga kamay at paa. Nakasakay na kami ngayon sa isang malaking truck na hindi namin alam kung saan pupunta. Nakikita kong puro mga babae ang andito, ang iba ay mas matanda pa sa akin, o di kaya mas bata. Ang katabi kong babae ay hindi ko mapansin ang mukha dahil na rin sa dilim at dungis nya katulad ko.

Yellow Ribbon Where stories live. Discover now