Chapter Seventeen

92 7 0
                                    

“Yung bilin ko sayo. Cheer up, okay?” nakahawak ang mga kamay ni ate sa aking pisngi.

I nod at her. She smiled to me before hugging me tightly. HInila naman ako kaagad ni Mama palayo sa kanya, hudyat na kailangan na ni ate bumukod sa amin at umalis.

“Come visit sometimes, okay?” habilin ni Mama kay Ate. Papa wasn’t vocal so he only stayed quiet watching his elder daughter walk away.

Tahimik ang bahay pagkatapos ng pag-alis ni Ate Faith. I was only watching alone my favorite series in our living room. Dahil wala anaman kaming mga katulong dito o sino mang pwedeng maging kasama ko sa loob ng bahay para makausap man lang, I decided to just sleep the whole day.

I heard a knock again at my door, bumukas iyon, si Mama iyon kaya pumikit akong muli. Naramdaman ko ang mga yapak niya hanggang sa pag-upo sa gilid ng aking kama. I felt her hand caress my hair. Dinilat ko ang aking mga mata, only to see my mother’s sad eyes. Pinilit niyang ngumiti.

“Mama, what’s wrong?” I asked. She shook her head.

“Wala, anak.” suminghap siya, “I’m not capable of seeing you struggle for things. Dapat nga hindi ka namin itinago dito.”

“What do you mean, Mama?” mahina kong tanong. Bumangon ako.

“Nothing, anak. Matulog ka na.”

Kahit labag man sa akin ay sumunod na lamang ako. Pinanood ko muna si Mama sa pag-ayos ng aking kumot, nang makita niya akong nakatingin sa kanya ay ngumiti siya sa akin. HInalikan niya ako sa noo at tahimik na umalis sa aking kwarto.

Ano bang ibig nilang sabihin? Itinago? Ako ang may gustong magtago.

Tito Murphy always say “When you remember.” So, I don’t remember things? What did I forget?

Bakit pakiramdam ko hinihintay lamang nila ako? Bakit ako hinihintay kung ganoon? Wala namang importante sa akin, iyong Castellana lang naman na ngayon ko lang din nalaman, tapos, sabi niya, “it serves as a gift”, for what?

Ang gulo ng gabi ko kaya hindi rin maganda ang aking tulog. Kahit si Papa ay nagulat sa itsura ko noong bumaba ako para kumain ng breakfast. Kahit na gusto niyang magtanong ay pinigilan niyang magtanong ang sarili. Tinitigan ko si Papa sa ginagawa niyang pagbabasa sa dyaryo. Paminsan-minsan ay sinusulyapan niya ako, alam kong ang weird ko na ngayon pero hindi ko maiwasan ang magtaka.

Sa huli ay kumain na lamang ako, hindi nagpapatinag si Papa. Gusto ko rin amalamn kung anong pinag-usapan nila ni Tito Alvaro, kung adult talk iyon ay mas mainam na huwag na akong magtanong. Saka na kung matanda na ako. O di kaya kung kaya ko na ang sarili ko.

Halata naman na sobra na akong dumepende sa aking mga magulang.

Natapos ako sa pagkain ko, bumalik ako sa sala para tapusin ang serye na pinapanood ko noong isang araw.

"Dennise, hindi ka ba papasok sa paaralan mo?"

I heard my father's voice from the kitchen. Hindi ako sumagot. Maya-maya ay narinig ko ang mga yapak niya papunta sa akin, at narito na po sya sa harap ko, nakapamaywang. Itinigil ko muna ang pinapanood para hindi makaligtaan ang mga senaryo dahil sa nagbabadyang sermon ni Papa.

"Wala po akong ganang pumasok." hindi ako makatingin kay Papa.

"Wala din akong ganang makita ka dito sa bahay." sagot niya sa akin. Sumimangot ako.

"Ayaw ko pumasok, Papa." umiling lamang sya.

"Kung ganoon, pumunta ka na lang doon para humingi ng modules sa mga guro mo. Anak, dalawang taon ka pa lang sa kolehiyo, sayang yun! Gusto mo pa ba talaga maging chemical engineer?" tumango ako.

Yellow Ribbon Where stories live. Discover now