✔ 80 "Minsan"

46 1 0
                                    

Minsan, naiisip ko na lang na sana,

Sana di na lang ako ang pinili mo

Minsan, bigla na lang nagdadalawang isip na baka,

Baka walang kwenta lang rin ito

Di naman sa wala akong tiwala sayo pero

Pati ikaw, alam mo namang di magtatagal

Alam mong hanggang ngayon lang ang mga salitang ‘yon

Kahit na marami pa tayong isugal

“Mahal kita, hindi man habambuhay pero sa ngayon.”

Ano ‘to, katangahan? Anong gusto mong paniwalaan ko?

De bale na, masaktan na kung masaktan ako

Titiisin ko ang lahat para lang sayo

Di mo lang alam pero ganito lang talaga magmahal ang isang tulad ko

Madalas kumplikado pero totoo

Minsan, naiisip ko na bakit ako pa? Bakit hindi na lang sila?

Silang mas magaganda, at  baka nga’y sayo’y magmahal pa

Sila na pwede na, kabaliktaran ng isang tulad ko

Na wala nang ginawa kundi saktan ka ng todo

Paulit-ulit ko na lang sinasabing mahal kita

Kahit ganito ako, maniwala ka sana

Minsan, kung maisip mong ayaw mo na

Ayos lang, salamat sa lahat

Ayoko mang tapusin ang tulang ito para sayo

Pero lahat naman kasi ay limitado

Sa tingin mo, pati ang pagmamahal mo?

Sige na, paalam na po

*~*~*

I really think that this makes no sense at all. Thanks for reading! God bless!

Unheard EchoesWhere stories live. Discover now