✔ 48 "Ikaw Pa Rin"

113 3 0
                                    

Si Lalaki: 

Ayokong sabihing hinahanap-hanap na rin kita

Ayko na kasing masaktan pa

Kung alam mo lang na mahal na rin kita,

Sana ngayo'y akin ka na

Gusto ko sanang ipagtapat pero ako'y natakot

Bakit ka napagod?

Gusto kong sabihin sayo na akin ka na lang ulit

Gusto kitang makasama sa bawat sandali

Palihim kitang sinusulyapan

Sa bawat ngiti mo'y lalo akong nasasaktan

Hindi na kasi ako ang dahilan ng mga iyon

May iba ka na kasing inspirasyon

Ito siguro ang napala ko noong binalewala kita

Masakit mang isipin pero mahal na kita

Si Babae:

Kahit gusto ko mang sabihin

Ang nilalaman ng aking damdamin,

Hindi ko magawa

Dahil alam kong di mo naman ako mahal

Kung iniisip mong siya na ang mahal ko,

Hindi iyon totoo

Pero.. bakit mo naman iisipin?

Ni hindi mo nga ako napapansin

Alam mo bang lagi kitang hinahanap?

Dahil sayo'y gabi-gabi akong umiiyak

Nakatira pa rin sa kahapon

'Pag iniisip na'y di magawang huminahon

Hanggang ngayon, ikaw pa rin 

Sana nama'y iyong dinggin

*~*~*

"Love is like an onion that makes you cry."

Unheard EchoesWhere stories live. Discover now