Chapter 24

1K 53 9
                                    

Princess' POV

I'm hooooooome! Nakauwi na ako. Nakauwi ako na tagumpay! ;)

Kahit kailan talaga sobrang tanga ni Elainne eh. Ambilis maniwala. Hahaha.

Pero hindi naman siya maniniwala agad kung hindi ako magaling umarte ;) Tama diba?

Mag agree kayo! -____-

Okay, nevermind.

So, yun nga. Andito na ako ngayon sa bedroom ko at nag peprepare sa kung ano na ang mangyayari this week!

I'm so excited :"> Wala na talagang pipigil sa kasiyahan ko :D

Nakahiga lang ako sa kama ko ngayon at hawak ko yung phone ko.

Tatawagan ko pa pala si Alyana :">

Syempre, kailangan niyang malaman toh as a bestfriend of mine.

Tatawagan ko na sana siya nang may kumatok sa room ko.

Ano ba yan!

Tumayo ako at pumunta na sa may pintuan para pagbuksan kung sino man yung lecheng disturbo.

Binuksan ko na at ----

What?

Anong ginagawa niya dito?

---

Elainne's POV

I'm here at my room and it's already 7pm na.

Tawag nang tawag si Xenrex sa akin pero hindi ko sinasagot.

Tinadtad niya rin ako ng text pero ni isang message eh wala akong sinagot.

Bakit ba ganito?

Wala na ba akong karapatang sumaya Lord? :(((

Bakit kapag okay na ang problema eh agad namang may dadating?

Hindi ba talaga kami pwede ni Xenrex? :(

Tama kaya yung ginawa ko?

Tama kaya na nagparaya ako para kay Princess?

Para sa isang taong nag traidor na saken?

Tama kaya?

Hays! Hindi ko na naman napigilan yung mga mata ko.

Umiiyak na naman ako.

Bakit ba ganito?

Bakit ako yung laging nasasaktan? :(((

Haysss, tutulog na lang ako para makalimutan ko tong nararamdaman ko kahit saglit lang.

I was about to close my eyes nang tumunog yung phone ko.

Calling...

+639271234567

Unknown number.

Sino naman toh?

I answered the phone call and I heard Ate Wrennie's voice.

---

Wrennie's POV

Saturday ngayon and I want to treat myself on shopping! :">

Yipee, medyo matagal na rin kase akong hindi nakapag shopping since marami ngang gulong naganap hahahaha.

You know, Elainne-Xenrex issues! :D

So, I'm on my way na nga sa mall na pupuntahan ko :'>

Wala na muna akong iisipin this day na makakabigay ng stress saken

Ilang minutes lang at nakarating naman agad ako.

Hindi kase masyadong traffic kaya nakarating naman na agad ako.

It's pass 1pm na nang dumating ako, so late lunch na.

Hindi naman ako gutom kaya naglibot libot muna ako hanggang sa naisipan kong pumunta muna sa isang boutique para bumili ng mga new clothes :"""> Ahihi.

I was checking their new arrival clothes when I saw a familiar face.

Tinignan ko sila ng maigi. Familiar talaga yung isa eh.

Hinayaan ko na muna tsaka tumingin na ulit sa mga damit nang marinig kong binanggit nila yung pangalan nila Elainne at Xenrex.

OMG! Tinignan ko ulit sila at oh yes! Tama nga!

It's Princess!

Yung bruhang epal sa love story ng kapatid ko.

Pasimple akong naglakad malapit sa kanila.

Makiki chismis ako.

Mahirap na at baka may pinaplano na naman toh!

Nakalapit na ako.

Pasimple lang akong tumitingin sa mga damit pero naka concentrate talaga yung tenga ko sa dalawang toh.

"So, sure na ba yang plano mo? Kailan mo naman gagawin yun?" sabi ng isang babaeng kasama niya.

Aba aba! May pinaplano na naman siya!

Habang inis na inis ako dahil sa masamang balak na naman ng babaeng toh eh lalo ko namang pinapatalas yung pandinig ko.

"Of course Alyana! Alam mo naman ako diba? Kapag gusto ko, gagawin ko. Makuha ko lang si Xenrex. Yun lang!" sagot naman ng lwalang hiyang babae -____-

"Eh paano mo naman gagawin yun?"

"Simple lang, I'll talk to Elainne na may sakit ako eventhough wala naman. Uto uto naman siya eh kaya madali lang mapaniwala yun. Hahaha!"

Argh! Nabebwisit ako! Hindi ko na pinatapos at agad akong umalis.

Kailangan kong masabi kina Xenrex toh as soon as possible.

Kinuha ko na agad yung phone ko para tawagan si Xenrex.

Argggh! Langhiya naman oh! Hindi ko siya ma contact! Tsk! Hindi ko naman pwedeng tawagan si Elainne kase wala naman akong number niya.

Hindi rin pwede si Eliza kase wala naman akong number niya!

Tss. Hindi pa naman siguro ngayon yung gagawin ng demonyitang yun kaya may oras pa ako.

Maya na lang siguro pag nasa bahay na yung loko kong kapatid.

Dahil sa sobrang inis ko at nawala na ako sa mood mag shopping, eh umuwi na lang ako.

Kabadtrip si Princess! Sinira na naman araw ko. Tsk!

Hays, hindi pwede. Hindi pwede na magawa na naman nung Princess na yun ang masamang binabalak niya.



Diary ni Crush Where stories live. Discover now