Chapter 34

688 52 10
                                    

Xenrex' POV

6am na.

Andito kami ngayon kina Lex.

Ang aga ba?

Actually, dito na kami natulog ng tropa kina Lex kase tutulongan nila ako para sa surprise ko kay Elainne mamaya ;)

3rd monthsary na kase namin kaya kelangan mas special! ♡

Dito ko napagpasyahang planohin at gawin ang surpresa. Hindi naman kase pwede sa bahay kase andun yung epal na ate kong si Wrennie.

Tsaka si Lex naman mismo ang nag offer na dito na lang since nasa business trip daw sila Tita at Tito at pumayag naman na sila :) Malakas ako sa kanila eh! ;)

So heto na nga at nag p-prepare na kami ng tropa ng mga pakulo para mamaya.

Hindi ko rin pala tinitext at tinatawagan si Elainne para kunware wala akong pake sa monthsary namin.

Sorry Baby.

Tinext ko na rin sina Eliza about sa plano ko at agree naman sila.

Actually, papunta na sila dito.

Excited na ako mamaya at sana magustohan ni Elainne toh.

Nag bake na ako ng heart chocolate cake na punong puno ng marshmallows as toppings! Favorite kase nun yung Marshmallows.

Habang nag bebake ako, yung tropa naman ang nagluluto ng ibang foods.

Huwag kayo, kahit lalaki naman kami eh marunong rin kaming magluto which is nakakaturn on talaga ;)

Gumagawa lang kami ng mga gawain nang may pumasok sa kitchen!

Sina Eliza pala.

"Uy Xenrex! Ayos tong pakulo mo ah?" bungad agad saken ni Eliza.

Ngumiti lang ako bilang sagot.

---

Habang kami ay nasa kusina, nagsimula naman sina Eliza na mag decorate ng mga designs sa garden nila Lex. Doon kase gaganapin ang celebration mamaya.

Natapos na ako sa cakes, cupcakes, and cookies.

Chineck ko yung time, 1pm na pala.

Everything's okay na.

Nag late lunch na muna kami.

"Grabe Eliza, bat puro pink?" biglang tanong ni Keith kay Eliza.

"Syempre! Favorite color kaya ni Elainne yun!"

Tsaka tumango tango na lang si Keith.

"Ang galing nga ng pagkaka design eh. Hindi ko na kukunin yang decorations dito. Hahaha!" pag eepal naman ni Lex. Tumawa na lang kami tsaka kumain na ulit.

Kumakain lang kami habang nagsalita bigla si Eliza.

"Onga pala Xenrex! Baka nabaliw na dun si Elainne kakaisip kung bat di mo siya ni greet or tinext man lang."

Oo nga. Baliw pa naman kung mag isip yun.

Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita.

"Okay lang yan. She will know the reason naman eh. Basta yung plano ha?" Tsaka ngumiti lang ako sa kanila at sila naman ay tumango lang.

---

5:45pm na.

Ang bilis ng oras. Miss na miss ko na ang prinsesa ko. Hays!

Tinawag ko si Eliza at sinabihang gawin na niya yung plano ko. Pati yung tropa sinabihan ko na rin.

Nakapag bihis na ako. Kaming lahat.

Diary ni Crush Where stories live. Discover now