Chapter 38

603 46 0
                                    

Elainne's POV

Nagising ako sa sikat ng araw.

Ugh! Ano ba toh. Ang sakit ng ulo ko!

Tutulog pa sana ako nang mapansin kong ---

Teka?!

Wala ako sa kwarto ko!

Familiar ang kwartong toh!

Isip Elainne.

Saang movie ko ba nakita toh?

Isip.

Isip.

Isip Elainne.
.
.
.
.
.
.
.
.
AY TAE?!


Kay Xenrex?!

Napabalikwas naman agad ako.

Tinignan ko yung katawan ko sa ilalim ng kumot.

Buo pa naman!

Teka, yung bed sheet! Baka may dugo!

Wala naman.

Ugh! Ano ka ba naman Elainne!

Kung ano ano ang iniisip mo dyan eh!

Pero..

Sino nagbihis saken?

Tae, wala talaga akong maalala!!!!

Wag niyong sabihin na si Xenrex mismo nagbihis saken?!

Waaaaaah nakakahiya! Nakita na niya ang tinatago tago kong katawan!!!!

Ay! Anoba! Relax nga Elainne! Napaka assuming mo!

Hayy.

Napagpasyahan kong bumaba.

Nasa hagdan pa lang ako at nakita ko na si Ate Wrennie.

"Goodmorning Elainne! Gising ka na pala :) How's your sleep?" bati niya saken.

"Goodmorning din po ate :) Okay naman po. Masakit nga lang yung ulo ko."

"Ay, come here. Sabay na tayong mag breakfast :)" ngumiti lang ako at sumunod sa kanya.

"Pagkatapos mong kumain, here's your medicine. Inumin mo ha? :)"

Tumango lang ako at ngumiti.

Napakabait talaga ni Ate Wrennie :">

Onga pala, bakit kaya wala si Xenrex?

"Wala si Xenrex. May aasikasohin daw kaya binilin ka muna niya saken :)" pagpapaliwanag ni Ate Wrennie.

Teka, paano niya nalaman?

Marunong bang magbasa ng isip si Ate Wrennie?

Astig!

Natapos na akong kumain ng breakfast ko at ininom ko na yung gamot na ibinigay saken ni Ate Wrennie.

"Elainne.." tawag saken ni Ate Wrennie.

"Yes po?" Hindi ko alam kung bakit kinabahan ako.

"Hindi pa ba kayo okay ni Xenrex?" she asked me.

Hindi ako sumagot.

Yumuko lang ako at natahimik.

"Alam mo Elainne, sa relasyon maraming dumadating na mga problema. Trials. Challenges. Tinitest nito kung gaano niyo kamahal ang isa't isa. Tinitest nito kung gaano katatag ang pagmamahalan niyo. Elainne, alam kong kilala mo si Xenrex. Alam kong alam mo na ikaw lang ang babaeng minahal ni Xenrex. Alam mo na ba yung side niya? Nag explain na ba siya sayo kung bakit at paano nangyare yung nakita mo?"

Tama naman si Ate Wrennie.

Pero kase.

"Opo." tipid kong sagot sa kanya.

"Naniniwala ka ba sa kanya? Mahal mo siya diba? Naiintindihan kita Elainne. Babae din ako. Kung saken nangyare yun, siguro nga baka mapatay ko pa yung lalaki eh. Pero alam mo, kung mahal mo naman yung kapatid ko, what if bigyan mo siya ng second chance? Not now, pero soon. Kung kelan ready ka na. Kung kelan konti na lang yung sakit. Mahal na mahal ka ni Xenrex, Elainne. He can't afford to lose you. He really loves you at alam kong seryoso siya dun. Alam mo bang sobrang panget niya nung nangyare sa inyo yung hindi pagkakaunawaan niyo. Hindi kumakain. Hindi ko nga siya nakakausap ng matino yun eh. Look Elainne, hindi naman kita pinipilit or what para tanggapin mo ulit yung kapatid ko. Sadyang number one fan niyo lang talaga ako. Hahaha."

Napatawa naman ako dun sa huli niyang sinabi. Haha.

"Mahal ko rin naman po si Xenrex. Mahal na mahal. Halata naman po siguro diba? Simula pa lang, crush na crush ko na yun. Parang ang milagro nga at mahal rin pala ako ng mokong na yun. Pero kase ate, masakit pa rin. Ang sakit. Handa naman po akong magpatawad. Handa ko po siyang patawarin. Kaso hindi ko pa po talaga alam kung kelan." naiiyak kong sabi.

"Napakatanga naman kase ng kapatid ko! Hay naku! Nagpalandi ba naman?! Inaway ko nga yun nung mokong na yun kase napakatanga niya at nadala siya dun sa witch na yun. Pero wala tayong magagawa. Nangyare na. Ang importante, nagsisisi siya at nagawa niya yun. Diba Elainne? :)"

Siguro nga tama si Ate Wrennie.

Mahal na mahal ko si Xenrex.

I can't afford to lose him.

Magsasalita na sana ako nang nagpaalam si Ate Wrennie saken na may kukunin lang daw siya sa kwarto niya at babalik naman siya agad.

Umiinom lang ako ng juice nang nakita kong paparating na si Ate Wrennie.

Ano kaya yung kinuha niya?

"Elainne, here!"

Nagulat ako sa binigay niya.



Diary ni Crush Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon