Chapter 3

1.7K 92 24
                                    

Papunta na kami sa room. Hindi ko alam ba't pinagtitinginan ako ng mga schoolmates namin at ng mga classmates namin na nasa labas ng room namin. Seriously, what's up with them?

Omg! Wait! Baka narinig nila yung sa cafeteria?

"Bes, may nagawa ka bang kasalanan? Bakit ganyan sila makatingin sayo?" Princess asked me and nag agree naman sila Michelle.

"Onga bes eh. What's happening kaya?" sagot ko naman. 

Hinayaan na lang namin at pumasok na sa room.

I was the one who opened the door and yung mga kasama ko naman ay nasa likod ko.

Nagulat ako.

Anong pakulo 'to?

Pati sina Princess ay halatang nagulat din sa bumungad samin sa loob ng room.

Si Alexis Guevarra. Tropa ni Xenrex. Anong ginagawa niya dito? Bakit siya andito?

Habang ako ay tulala sa mga nakikita ko ngayon. 'Yung mga babaeng classmates ko naman ay kilig na kilig. Hindi ko alam kung kikiligin ba ako sa nakikita ko ngayon. Nakatingin lang ako sa mga pakulong ginawa ni Alexis. Or should I say sa mga pakulo ng tropa ni Alexis which is kasama si Xenrex.

May banner silang inihanda na may nakasulat na "I Love You Elainne Angelique Sy! ♡"

Hindi ko alam kung ano ang e rereact ko. Nakita ko si Xenrex sa tabi ng banner. I saw him smiling pero hindi ko alam kung bakit kumirot yung puso ko. Hindi ko alam pero parang may mali sa mga ngiti niya. May mali talaga.

Lumapit si Alexis sa akin. Hinawakan niya yung kamay ko. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Nakatingin lang kami sa isa't isa nang magsalita siya.

"Elainne, alam kong hindi mo pa ako masyadong kilala. But yes, I'm inlove with you. I love you Elainne. Please give me a chance para iparamdam ko sayo 'yun."

He said while holding my hand and nakatingin sakin. Alam kong dapat akong kiligin. Pero ayoko. Gusto ko si Xenrex! Wala nang iba.

Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko ng mga panahong iyon. 

Kung bakit ako biglang tumakbo at lumabas na ng classroom.

Takbo lang ako nang takbo. Potek, ang OA ko na ba? Ewan ko rin sa sarili ko kung bakit ako ganito.

Dinala ako ng aking mga paa sa isang Children's Playground malapit sa school namin. Umupo ako.

"Ano ka ba naman Elainne! Bakit mo tinakbuhan si Alexis? Gwapo naman siya ah? Matalino, responsible, music lover din. Mayaman. Nasa kanya na ang lahat?" wika ng walang hiyang konsensya ko.

"Bakit ba? Eh si Xenrex yung gusto ko eh!" sagot ko naman. 

Baliw na nga siguro ako. Ano ba?

"Bakit mo siya tinakbuhan bes?"

"Ay butiki!" lumingon ako. 

Si Princess lang pala. Ginulat pa ako. 

"You already know the reason bes. Alam mo namang kay Xenrex lang ako diba?" sagot ko sa kanya nang nakayuko.

"Bakit di mo bigyan ng chance si Alexis? Malay mo, siya talaga yung para sa'yo bes. Huwag ka nang umasa kay Xenrex!"

Nagulat ako sa pag iiba ng mood ng bestfriend ko. 

Teka, ba't ganito siya? Anong problema niya?

Tiningnan ko lang siya na parang nagtataka. Ewan ko pero parang na gets niya na rin siguro na naninibago ako sa kanya.

"Ah eh.. bes, sorry. Hehe. Sige hintayin ka na lang namin sa room ha? Bye!"

Umalis na siya. 

Ang weird niya talaga. 

Napahinga na lang ako nang malalim. 

Hindi ko alam gagawin ko. 

Nakakaloka. 

Oo, gwapo si Alexis.

Nasa kanya na ang lahat.

Pero kase.

Ayoko.

Kay Xenrex lang ako sasaya.



Diary ni Crush Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon