Chapter 12

1.4K 82 11
                                    

Wrennie's POV

Hihiga na sana ako nang tumunog yung phone ko.

I unlocked my phone to check if sms ba yun or what.

Pero nagulat ako sa nakita ko.

"ANO?! "

Paano kase. Nagtext si Alexis.

Sms Fr : Alexis

Wren, parang di mag wo work yung plan mo. Wala pa rin yatang balak si Xenrex mag confess. Tss.

Hindi na ko nagreply sa message ni Alexis. Ano ba naman kase toh. Akala ko mag wowork na eh!

Okay, I'm sure nagtataka na naman kayo.

Kakampi ko rin kase si Alexis.

Ganito yung nangyari nun.

Magkatropa sila ni Xenrex diba? Kaya si Alexis yung pinili ko na maging ka partner ko sa mission kong ito eh kase siya yung pinaka close talaga saken. Bata pa lang sila, kilala ko na yan.

Kaya ganun.

Pinakiusapan ko siya na magpanggap na mahal niya si Elainne. Pinakiusapan ko siya na ligawan niya, na mag effort siya dun kay Elainne para magselos ng todo si Xenrex.

Akala ko nga mag wo work na eh. Kase may sinabi sakin last time si Alexis na habang kumakain daw sila sa cafeteria eh ang sama raw ng tingin ni Xenrex sa kanya. Kaya ako naman tong si baliw, umasa na magcoconfess na yung torpe kong kapatid.

Pero wala, ni hao ni ho wala siyang ginawa! -____-

Wala na kong ibang maisip na paraan ngayon.

I have no choice kundi gawin ang final plan ko! ;)

-----

Alexis' POV

YEHEEEEY! MAY POV AKO! :">

Super thank you Ms. Author! Mahal kita! :)))) HAHAHAHA!

(A/N : Wag ka nga! Kay Xenrex lang ako noh HAHA jkjk)

K -____-

Andito ako ngayon kina Kurt, kasama namin si Kevin.

Huwag niyo ng itanong kung bakit wala si Xenrex. Simple lang, tinatamad raw siya.

Nag uusap lang kaming tatlo ngayon sa kwarto ko.

Guess what? We're just talking about Elainne and Xenrex.

Yup, alam rin nila Kurt and Kevin na acting lang ang lahat ng yun. Mabuti na nga lang at hindi ako yung tipo ng lalaking mabilis ma fall at ganun rin si Elainne.

Pero kahit anong plano yata ang gagawin ni Wrennie para umamin yang si Xenrex kay Elainne ay walang tatalab.

Masyadong malakas ang torpe powers ni Xenrex! HAHAHA. Okay, kidding aside readers.

"So, paano na yan?" Kevin asked.

"Ewan ko. Hindi naman na sumagot si Wrennie sa text message ko kanina eh." I answered.

Nag iisip na siguro ng next plan niya.

Ibang klaseng ate rin yun eh! XD

"Eh diba crush naman ni Elainne si Xenrex?" Kurt asked. Mabuti naman at naisipan niyang sumali sa usapan. Kanina pa kase naglalaro ng Temple Run 2 sa iPhone niya eh. Tss.

"Yes. Pero ewan ko kay Xenrex kung bakit ganun pa rin!" I answered.

"Ano ba yang kaibigan natin. Kung hindi lang natin tropa yun, naiisip ko na na bading siya! Akalain niyo yun? NGSB siya mga pre!" biglang sabi ni Kevin sabay tawa ng malakas.

Oo nga ano. HAHAHA.

"Masyado kase siyang loyal kay Elainne," sagot ko naman.

Okay naman si Elainne eh. Swerte nga ni Xenrex kung nagkataon. Sana lang talaga ay masabi na ni Xenrex lahat kay Elainne para okay na ang lahat.

Kung pwede lang iuntog yang ulo niya sa bato para mawala yung pagka torpe niya eh ginawa ko na.

I mean, ginawa na namin. Syempre, dapat kasama ang tropa. HAHAHAHA XD Isama na rin natin sina Eliza, Trisha, Michelle at Wrennie. HAHAHA!

"Oy pre! So ibig sabihin pala nun hindi ka pinayagan ni Elainne na manligaw sa kanya?!" sabat naman ni Kurt -_____-

Seryoso, hindi niya pa alam!? Last week ko pa nasasabi sa kanila ni Kevin toh ah?

Oo, sa kanila ni Kevin ko lang sinabi. Para ma curious si Xenrex at maparanoid kung ano na yung status namin ni Elainne na sa totoo lang ay magkaibigan lang talaga >:D

"Hindi nga kase! Ano ba Kurt! Last time ko pa nasasabi yan ah?" inis kong sabi sa kanya.

Paano ba naman kase, paulit ulit ? -____-

"Oh chill lang! Sorry naman!" sagot naman niya sabay balik ulit ng pansin sa iPhone niya :3

Kahit kailan talaga walang kwentang kausap tong si Kurt eh!

-----

Xenrex' POV

Kung inaakala mo, ang pag ibig ko'y magbabago. Itaga mo sa bato, dumaan man ang maraming Pasko..

On the way na ko sa school at ako'y nag sa soundtrip. Naka earphone ako ngayon at nakikinig sa paborito kong kanta. Ang BUKO :">

(A/N: Ayiiiee, gaya gaya si Xenrex kay Elainne oh! :p)

Hindi kaya Ms. Author! Sadyang itinadhana lang talaga na pareho kami ng favorite song hahaha :">

(A/N: Che! Ang corny nito! Sige na babush na! Hunting-in mo na si Elainne! Hahaha)

Okay Ms. Author, wag ng epal ha? :p

Kaya heto na nga ako ngayon sa school. Naglalakad sa hallway, nagbabakasakaling makita ko si Elainne.

Habang naglalakad ako, napansin ko namang may kumalabit sakin.

Sino naman kaya toh?

Tinignan ko kung sino, si Eliza lang pala.

"Kamusta yung diary?" pambungad na tanong niya saken at ngumisi.

"Eliza, ang aga aga pa para mang asar. Tigilan mo ko." sagot ko naman sa kanya. Wala ako sa mood ngayon makipag biruan eh. Lalo na kapag tungkol dyan. Kinakabahan ako.

"Asus. Masyadong seryoso toh. Pero, okay. Total seryoso naman yang mukha mo. Mag usap na lang tayo ng seryosohan." sabi niya saken.

Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya. What does she mean?

"What do you mean?" I asked her. Hindi ko talaga nagets eh.

"Kailan mo sasabihin sa kanya?"

"Yung alin?" I asked her back.

"Potek naman Xenrex! Ang gwapo gwapo mo pa naman tapos ang slow mo pala!" sabi niya tsaka nag poker face.

"Eh ano nga kase? Kung kino complete mo na lang kaya kaagad yang tanong mo?"

Ang hilig kase nito magpa bitin eh!

"Sabi ko ---- KAILAN MO BA SASABIHIN KAY ELAINNE NA MAHAL MO SIYA?! Oh gets mo na ba?! Tss."

Nabigla naman ako sa kanya. Isigaw ba naman? -____-

Magsasalita na sana ako nang ---

"Eliza?!" may nagsalita sa likod namin at ---

CRAP!

IT'S ELAINNE! O_______O


Diary ni Crush Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon