Chapter 36

593 48 3
                                    

Elainne's POV

Andito na ako!

Sisigaw na sana ako ng Hi Baby!

Kaso ----

Hindi na ako nakasigaw.

Nanigas ako sa kinatatayuan ko.

Hindi ko alam kung magsasalita ba ako.

Kaya pala ako kinakabahan.

Kaya pala parang hindi maganda yung kutob ko.

Pero bakit ganun?

Ako dapat ang susupresa sa kanya diba?

Bakit ako yata ang na surpresa?

Leche. Ang sakit!

Hindi ko alam pero sumabay ang pagbagsak ng luha ko at pagbagsak ng scrapbook na ginawa ko.

Good job Xenrex.

Thank you sa maagang Christmas Gift mo.

Narinig niya siguro yung pagbagsak ng scrapbook ko kaya tumigil sila ni Princess sa paghahalikan.

Ngumiti ako kahit alam kong obvious na obvious na umiiyak ako.

"Pasensha na. Naistorbo ko yata kayo."

Tsaka tumakbo ako palabas ng school namin.

***

Xenrex' POV

*pugsh!*

Nagulat ako nang may narinig ako na parang may bumagsak kaya humiwalay ako sa paghalik ni Princess saken! Tang×na bat nag respond ako sa halik ng babaeng toh?!

Nakita ko si Elainne.

Umiiyak.

Sh×t Xenrex!

Ano bang ginawa mo?!

Tinabig ko si Princess nang makita ko si Elainne.

"Pasensha na. Naistorbo ko yata kayo."

Hindi ako makagalaw.

Tumakbo siya.

Tang×na naninigas ako.

Xenrex, anong ginawa mo?!

"Thank you Xenrex. Bye!" Sabay kindat saken ni Princess.

Napamura na lang ako.

Mas lalo akong napamura nang makita ko yung naibagsak kanina ni Elainne.

Scrapbook.

Ito yung sinasabing surpresa ni Elainne saken.

Ang tanga tanga ko!

Ang tanga tanga ko at nadala ako sa landi ni Princess!!

Tumakbo ako habang hawak hawak ko yung scrapbook na gawa ni Elainne.

Na gawa ng babaeng pinakamamahal ko.

Susundan ko si Elainne.

Napamura naman ako nang maalala na posibleng umalis na yun!

Pumunta na lang ako sa classroom nila upang matanong si Eliza.

"Eliza!!"

"Oh? Anyare? Nasan si Elainne? Bat hingal na hingal ka? Oh nagustohan mo yung pinagpuyatan ni Elainne?" tuloy tuloy na tanong ni Eliza saken.

Sasagot pa lang sana ako nang may sumuntok saken.

Si Nathaniel.

"Walang hiya ka! Sinaktan mo si Elainne! Pinaiyak mo na naman siya!"

Diary ni Crush Where stories live. Discover now