Chapter 12 - Forgiven

997 34 3
                                    

FORGIVEN

     I’ve been so lost since you’ve gone  ♫

     Why not me before you? 

     Why did fate deceive me? 

     Everything turned out so wrong 

♫   Why did you leave me in silence?

                              (Within Temptation)

Sabado noon nang hapon. Nakaupo ako sa damuhan sa harap ng puntod ni Tatay at ni Mayreen. Makulimlim ang panahon at may maiitim na ulap sa langit. Parang uulan. Pero hindi ko iyon pansin.

Umiiyak ako noon. Gulung-gulo ang isip ko.

"Mayreen, patawad..." bulong ko sa pagitan ng mga hikbi.

Bumalik sa ala-ala ko ang isang tagpo sa nakaraan. Buhay pa si Mayreen noon. Magkasama pa kaming nakatira sa condo. Masayang-masaya pa kami noon.

"Kuya, minahal mo talaga si Ate Jules, ano?" tanong niya sa akin.

Napatitig ako sa kanya. Naghanap ako ng kahit anong senyales ng pagseselos, pero wala akong nakita. "Bakit mo naman naitanong yan?" tanong ko.

Nagkibit-balikat lang siya at humilig sa balikat ko. "Wala lang. Nakita ko kasi yung isang picture niya kanina sa drawer mo."

Napaisip ako. Picture sa drawer? May natira pa pala. Akala ko, naitago ko na lahat. "Meron pa ba?" tanong ko.

Tumango siya. "Isa lang. Nakaipit sa lumang journal mo."

Napabuntung-hininga ako. "Di bale. Bukas, itatago ko na yun."

Ngumiti siya. "Huwag na, Kuya. Okey lang naman yun."

Umiling ako. "Hindi okey yun. Magiging Mrs. Mayreen Laroza ka na. Ikaw lang dapat ang may picture sa mga gamit ko."

Masuyo niyang hinaplos ang dibdib ko. "Wala namang pinagkaiba kung may picture o wala, Kuya, kung nasa puso mo naman. Saka wala namang problema sa akin yun. Noon ko pa sinabi sa yo, Kuya, mamahalin kita kahit siya pa rin ang mahal mo. Masaya na ko na tinatanggap mo ang pagmamahal ko at ako ang pakakasalan mo."

Parang gusto ko siya noong kontrahin. Parang gusto ko noong sabihin sa kanya na hindi ko na mahal si Jules, na siya na lang ang babaeng mahal ko.

Pero magsisinungaling ako kung gagawin ko yon.

Dahil sa totoo lang, kahit mahal ko siya, hindi pa rin nawawala si Jules sa puso ko.

"Patawad Mayreen..." bulong ko ulit, umiiyak pa rin. "Bakit mo kasi ako iniwan? Dapat kasal na tayo ngayon... Dapat mag-asawa na tayo..."

Pero sa loob-loob ko, wala na. Wala na si Mayreen. Hindi na kami maikakasal. Iniwan na niya ako. Gustuhin ko man maging masaya, kahit marami pa ang mga kaibigang nakaalalay sa akin, parang kulang pa rin. At kahit mahal pa rin ako ni Jules, kahit tuwang-tuwa ako sa anak niyang si Jenna, parang hindi pa rin tama.

Unfair sa mahal ko...

Tito Mike, would you be my new daddy?

Si Jenna. Kailangan niya ng ama. Hindi siya dapat lumaki na iisa lang ang magulang na magtataguyod sa kanya. Sino ang magtatanggol sa kanya? Sino ang paghuhugutan niya ng lakas ng loob?

Simple HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon