Chapter 10 - Hero

1.8K 34 1
                                    

HERO

      There's a hero     ♫

      If you look inside your heart

      You don't have to be afraid

♫   Of what you are

                           (Mariah Carey)

Inabutan ko si Jasmin sa sala ng sarili niyang bahay na umiiyak. Pinilit niyang itago iyon sa akin, pero nakita ko na ang mga luha bago pa niya iyon napunasan. Namumugto rin ang mga mata niya.

"Mike, nandiyan ka pala," sabi niya, halatang nagulat at nandoon ako, pero ngumiti pa rin nang pilit. Agad siyang tumayo para salubungin ako.

"Pinapasok ako ni Delia," sagot ko. Si Delia ang katulong niya. "Nagkasabay kami papasok. Galing yata siya sa tindahan sa labas."

Nagbeso-beso kami. Hindi siya tumitingin sa akin nang tuwid. "Upo ka."

Umupo ako sa sofa at tumabi naman siya sa akin. Noon ko napansin ang photo album na nakapatong sa mesita. Pamilyar iyon sa akin. Photo album iyon ng kasal nila ni Henry. Naisip ko, iyon ang dahilan kung bakit umiiyak na naman siya.

Napatingin ako sa kanya.

Nakayuko siya, malungkot.

"Jas..."

"Alam kong sasabihin mo, Mike," sagot niya agad. "Sasabihin mo na naman na hindi ko na dapat tinitingnan yan, na masasaktan lang ako. Pero anong magagawa ko? Nami-miss ko ang asawa ko." Pagkatapos ay tumulo na naman ang mga luha niya.

Nanlambot ang puso ko sa itsura niya. Agad ko siyang niyakap.

Ang ginawa niya ay Isinubsob niya ang mukha niya sa dibdib ko. Doon siya umiyak ng umiyak. "Miss na miss ko na siya, Mike..." ungol niya habang umiiyak.

Hinagod ko ang likod niya, umaasang makakapagbigay iyon ng kahit konting ginhawa. "Alam ko, Jas. Alam kong mahal na mahal mo siya."

"Sana umuwi na siya..." dagdag pa niya. "Sana mabuo na ulit yung family namin... Lumalaki na si Jun-Jun... Kailangan niya ang daddy niya..."

Hindi ko alam noon kung papano siya bibigyan ng assurance. "Sana nga umuwi na siya," sagot ko lang.

Patuloy siya sa pag-iyak. Hindi na siya nagsalita. Pero matapos ang halos bente minutos na pag-iyak habang nakasubsob ang mukkha niya sa dibdib ko, unti-unti na siyang kumalma.

Hinaplos ko ang ulo niya. Sinuklay ko ng mga daliri ko ang buhok niya. Ganoon kami lagi. Kapag malungkot siya, nandoon ako para sa kanya. Kapag malungkot naman ako, nandoon siya para sa akin.

Pero nagbago ang lahat nang dumating si Mayreen. Siya mismo ang lumayo. Sabi niya, alam daw niya na mahal ko si Mayreen, na masaya ako sa piling ni Mayreen. Nagawa raw ni Mayreen na palabasin ang totoong ngiti ko, bagay na hindi niya nagawa.

Tama naman siya. Minahal ko si Mayreen. Naging masaya ako kay Mayreen.

Pero wala na ang mahal ko.

At nandoon na naman ako sa tabi niya.

Naramdaman ko ang kabigatan sa dibdib ko dala ng mga ala-ala ng isang pag-ibig. Pero nagawa kong isantabi iyon. Malungkot si Jasmin. Kailangan niya ang lakas ko. Kailangan kong maging malakas para sa kanya.

Simple HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon