Prologue

4.4K 62 12
                                    

Memoirs of a Simple Heart

Book Four: SIMPLE HEART

This is the fourth book of my series Memoirs of a Simple Heart. Finally, this is the direct sequel to Ma Malakat Aymanukum, written this time in Mike's point of view.

Each chapter is given the title of a song that matches its emotion. The songs could be found on the multimedia section (right side panel). It would be best to read each chapter while listening to its song.

This book is a work of fiction. Names, characters, places, and events are either products of the author’s imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual events, places, or people, living or dead, is entirely coincidental.

This book was not written to promote or degrade any product, establishment, institution, belief, or scientific fact.

 LHI PUBLISHING, a division of Laroza Holdings, Inc.

San Miguel Ave., Ortigas Center, Pasig City, Philippines

Copyright © 2012 by Miguel Laroza

All rights reserved.

___________________________________________________________

 

PROLOGUE

BANG! BANG! BANG! BANG! BANG!

Nagulantang ako mula sa pagkakatulog dahil sa mga putok na iyon. Ang una ko agad naisip ay haltakin si Mayreen padapa sa sahig kung saan mas magiging ligtas kami. Pero nang kapain ko ang espasyo ng kama kung saan dapat ay nakahiga siya, wala siya doon.

"Bilis! Tara na!" narinig ko mga salita mula sa labas. Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ako maaaring magkamali. Maranao ang mga salitang iyon.

Kinabahan ako agad. Agad kong iginala ang paningin ko sa paligid ng kuwarto para hanapin si Mayreen.

Nagulantang ako nang makita ko siya na nakahandusay sa sahig malapit sa bintana.

Hindi!

Patakbo ko siyang nilapitan. Agad ko siyang niyakap.

Nanginginig ang katawan niya noon, sumasabay sa pasinghap-singhap niyang paghinga. Parang humahabol sa nalalabing buhay.

Agad ko siyang kinalong at isinandal sa katawan ko. Dumadagundong ang tibok ng puso ko noon. Sa loob-loob ko, huwag naman sana. Please, huwag naman sana...

Nanlumo ako nang makakapa ako ng dugo sa katawan niya. Galing iyon sa dibdib niya, umaagos nang masagana. May tama siya. Dalawa ang nakapa ko, pero hindi ako sigurado kung meron pang iba.

Pinilit kong patigilin ang pag-agos ng dugo sa pamamagitan ng mga kamay ko. Pinipilit ko ring maging kalmado, pero hindi ko magawa. Magkakahalong awa, takot, at galit ang nararamdaman kong kumakain sa natitira kong lakas ng loob. Pero hindi ako dapat masiraan ng loob. Nabaril na siya dati. Nailigtas ko na siya dati. Maililigtas ko siya ulit. Hindi pwedeng hindi!

"K-Kuya..." ungol niya, mahina ang boses, halos pabulong.

Halos mahilam na ako noon sa pag-agos ng maraming luha sa mga mata ko. Pero hindi ko iyon pinansin. "Mayreen..." tawag ko sa kanya. "Please, huwag kang bibitiw..."

Sa bahagyang liwanag ng buwan sa mukha niya, nakita ko siyang ngumiti. "K-Kuya..." sabi niya. "M-Mahal na mahal kita... M-Maraming s-salamat..." Pagkatapos ay pumikit na siya. Tumigil na rin ang paghinga niya at ang panginginig ng katawan niya.

Hindi!

Agad kong inilapat ang mga palad ko sa dibdib niya. Diniin-diinan ko iyon gaya ng natutunan ko sa med school sa pag-asang mapapatibok ko ulit ang puso niya. "Mayreen, bumalik ka!" sabi ko. "Mayreen, wag mo kong iwan!"

Kailangan siyang mabuhay. Magpapakasal pa kami. Bubuo pa kami ng pamilya. Magiging masaya kami.

Pero kahit anong gawin ko, wala na siya talagang buhay.

Nanghihina akong napatigil.

Nakaramdam ako ng bigat sa dibdib ko. Bigat na namumuo at nagtangkang sumabog.

Niyakap ko ang bangkay ni Mayreen at pinawalan ang nararamdaman ko.

"HINDEEEE!!!"

  

Simple HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon