Chapter 4 - Stand By Your Side

1.4K 31 5
                                    

STAND BY YOUR SIDE

      Gonna stand by your side now    ♫

      Let me kiss all your tears away 

      You can stay in my arms now

♫   And I know I can make you believe again

                                                       (Celine Dion)

Pagdating ng ikaanim na araw, nagising na lang ako sa mga katok sa pinto. Dahil doon, naputol ang napakagandang panaginip ko kung saan ay nasa Kalapao pa kami ni Mayreen, sa misyon kung saan kami unang nagkasama.

Naiinis na idinilat ko ang mga mata ko at gumising sa realidad. Istorbo, sabi ko sa sarili ko. Sino kaya ito?

Pinilit kong bumangon kahit mabigat ang katawan ko. Naiirita kasi ako sa tunog ng katok. Gustuhin ko mang huwag pansinin, parang nagugulo ang utak ko at hindi na ako makabalik sa pagtulog.

Nagawa kong makatayo pero nanghihina ako at medyo nahihilo pa. Napalingon ako sa paligid.  Napailing na lang ako.

Napakagulo kasi noon ng kuwarto ni Mayreen kung saan ako namalagi sa loob ng limang araw. Nagkalat ang mga papel na ginamit kong scratch sa pagsusulat. May ilang bote ng tubig at juice. May kahon pa ng pizza kung saan may isang slice na natira. Sigurado ako, panis na yun.

"Sorry, Mayreen," bulong ko. "Di bale, maglilinis ako mamaya."

Muli kong narinig ang mga katok.

Kainis naman ito, sabi ko na lang sa sarili ko.

Lumabas ako ng kuwarto at tinungo ang pinto. Padabog ko iyong binuksan, pero natigilan ako nang makaharap ko kung sino ang nandoon.

"Hi, Bespren..." malambing na bati ni Jules sa akin.

Napalunok ako. Bigla akong nahiya. Bigla kong naisip kung ano nga ba ang itsura ng bahay ko, kung ano nga ba ang itsura ko. Limang araw, hindi ako naligo. Hindi ako nagsepilyo. Hindi ako nagbihis. Ni hindi ako nagsuklay ng buhok.

Nakakahiya.

"Hindi mo ba ako patutuluyin, Bespren?" tanong niya.

Napalunok ulit ako. Bakit kasi parang nanuyo bigla ang lalamunan ko noon? Hiyang-hiya talaga ako. "T-Tuloy ka, Bespren."

Binuksan ko nang todo ang pinto para papasukin siya, pero sa loob-loob ko noon, lagot na. Ang gulu-gulo ng bahay ko. Nagkalat ang mga gamit sa sala. Nandoon pa yung travelling bag ko na dala ko pa noong hinatid ko sa airport si Gelay. Hindi ko pa naililipat ang mga laman noon sa aparador. Pero mas nakakahiya ang kusina. Puro maruruming plato. Puro pinaglutuan. Mga hindi ko nahugasan sa loob ng limang araw.

Nakakahiya talaga.

Pagpasok pa lang ni Jules, iginala niya agad ang mga mata niya sa paligid. Nagtaka pa ako nang ngumiti siya, parang natutuwa pa sa kaguluhang nakikita niya. "Ang ganda naman ng condo mo, Bespren," sabi niya.

Napangiwi ako sa sinabi niya. kabaligtaran kasi ang inaasahan kong sasabihin niya. Parang lalo pang sumumbat sa konsensya ko na napakagulo ng bahay. Tapos, siya pa ang bisita ko. "Pasensya na, magulo," sabi ko na lang.

"Okey lang yan, Bespren," sagot niya, nakangiti pa rin. "Konting ayos at linis lang, lalabas ulit yung ganda niya." Pagkatapos ay tiningnan niya ako at tumawa na matipid. "Huwag ka ngang mahiya sa akin. Para namang di tayo magbespren. Saka mother ako, Bespren. May anak ako kaya alam ko kung ano yung bahay na magulo."

Simple HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon