Chapter 49 [Freedom]

1.5K 12 4
                                    

[One Last Love]

“Chessaaaaaa?” Sabay bukas ni Mama ng pinto. “Ready ka na ba?” Naka-ngiti niyang tanong.

“O-opo.”

“Great! I knew it! The dress would look good on you.” Napa-tingin ako sa sariling dress. Maganda siya. Sobra. Parang hindi nga ako deserving na suotin siya dahil sobrang ganda.

“Thank you po.” Sabi ko naman. Lumabas na ako ng kwarto. Pagbaba ko ng hagdan, nakita ko si Tita Alice, Yaya Sol at si Mae. Naka-tingin sila sa akin pero wala silang pinapakitang emosyon.

Obviously, hindi sila sang-ayon sa desisyon ni Mama. Mali daw kasi yung arrange marriage. Pero wala na sila o akong magawa. Siya yung nanay ko eh. At isa pa, sinang-ayunan na din namin ni Jethro ang bagay na to noon pa.

“Oh Ate Alice, sumunod ka nalang kung gusto mo ha. Babuuu.” Sabi ni Mama tapos hinila na ako palabas ng bahay ni Tita Alice. Hindi ako makasalita. Halo-halo ang nararamdaman ko na feeling ko kapag nagsalita ako, mahihimatay nalang ako bigla.

Tahimik akong sumakay ng kotse. Habang si Mama, ang ingay. Kausap niya si dad. Kitang kita ko na excited sila para sa gabing ‘to. Sa okasyon na magaganap mamaya.

“Halika na baby girl. Excited na ako para sayo. Sa inyo.” :D Inalalayan ako ni Mama hanggang sa makapasok kami doon sa isang five star hotel.

Madaming tao ang sumalubong sa amin. May mga press at camera pa nga. Nakaka-ilang ang atensyon na nakuha ko lalo pa’t nanay at tatay ko ang kasama ko pero dapat confident pa rin ako. Ugh. Ang hirap nito.

Parang dati lang, hindi ako kilala ng mga taong ‘to bilang anak nila. Ang alam lang nila, may isang Twein na tagapag-mana ng yaman nila. At si Zack Twein yun. Ang kuya ko. Dati, wala akong pakialam sa business world dahil wala din namang paki sa akin ang parents ko. Pero ngayon, ito na. Kasama na nila akong humarap sa madaming tao.

I can’t believe this. I just can’t. :o Ang daming tao sa loob. Halatang mayayaman lahat. Ang gaganda pa ng damit nila. Yung iba mag-asawa yung iba kasama naman ang mga anak nila. Mga tao galing sa business world. Ang laki din ng lugar at ang ganda. Ginastusan talaga.

Luminga-linga ako para hanapin si Jethro pero sila Tita Dianne at ang asawa niya lang ang nakita ko. Dumiretso naman kami sa table kung nasaan sila nakaupo.

“You’re so gorgeous Chessa.” Bati ni Tita Dianne.

“Thank you po. Kayo rin po.” :)

“Ay nako Dianne. Kanino pa ba magmamana? Hmm?” Tanong ni Mama habang paupo. Nagtawanan naman sila. Pati ang daddy ni Jethro at yung sa akin din tumawa. Ako naman umupo nalang.

May kanya-kanyang ginagawa ang mga tao. May nagsasayaw, umiinom ng wine, may nagk-kwentuhan tungkol sa buhay at may nagya-yabangan din. Psh. -_-

Ilang minuto pa akong tumunganga. Mayamaya, bigla nalang nagkaroon ng madaming tao sa may entrance hall. Yung katulad sa nangyari nung pumasok kami nila mama. Bakit kaya may entrance hall pa eh dito naman sa mismong area may dalawang malaking gate sa likod? Psh. :3 Siguro for shortcut purposes? Hmm. Fire exit? Nvm. -.-

Gangster's "I Hate You"Where stories live. Discover now