Chapter 20 [Way back into Love]

2.3K 31 4
                                    

[Way back into Love]



Hannah Molina's Point of View



Pauwi palang kami ni Kelly.

Ihahatid niya ako. Wala naman kasi akong dalang sasakyan eh. Kaya no choice siya.

Kahit pagod siya, ihahatid niya pa rin ako. Hehe ^^ Ewan ko ba jan kung paano yan nagkaroon ng sasakyan sa ganitong edad.

Kung nagtataka kayo kung anong araw ngayon, Saturday. At kung saan kami galing, sa bahay ng pinakamamahal naming si Chessa.

Grabe. Kahit hindi ganun kahirap yung initiation na binigay niya, sobrang nakakapagod pa rin noh.

Pero masaya pa rin kami. At least may napatunayan kami sa sarili namin at buong buo na talaga ang grupo namin. 

Bilib talaga ako jan kay Chessa. Haaay. Idol ko talaga siya *u*

"Haaay. Nakakapagod talaga pero enjoy. Lalo na yung welcome party. Haha." Oh diba? Pati ang pinakamamahal kong bespren agree.

"Oo nga. Ang saya. Pero ang sakit ng katawan ko kaya. Paguwi ko diretso na ako sa kama at magpapahinga talaga ako ng bongga." Nag-apir nalang kami.

"Oh pano bes? Hindi na ako bababa. Basta. Tomorrow ha. Sunduin ulit kita. Hihi." Nandito na pala kami  sa tapat ng bahay ko.

"Yeah. Sure.. Excited na ako. Haha. Sige na. Byieeee." Nagbeso-beso na kami tapos bumaba na ako sa car niya.

Bukas... yung plano namin for Chessa and Charles.

Mas madadalian nga kami dahil sa nangyari ngayon. Madami kaming pwedeng idahilan. Mouhaha.

Matagal na kasi talaga yung plinano nila Nech at Claire pati ng Deadly deserts siguro nung Monday pa. Sinali lang nila ako pati si Kelly. And we're glad with that.

Naglakad na ako papasok. Nakakapagtaka lang kasi bukas yung gate.

Baka naiwan ni Yaya? Tsk! 

Pumasok na ako at sinara na yung gate. Pagkatapos ko isara yung gate...

O____O

Nalaglag yung panty ko--- este yung wallet na hawak hawak ko.

Gangster's "I Hate You"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon