Chapter 31 [TCC :">]

1.7K 16 7
                                    

[TCC :">]

"*yaaaawn*"

Kakagising lang ng dalaga. Gusto niya pa sanang mahiga, pero alam niyang hindi na pwede, dahil mayamaya lang, mambubulabog na ang mga kaibigan.

Tuluyan na itong bumangon, naghilamos at kung anu-ano pang ginagawa tuwing umaga. 

Pero liban sa mga nakagawian, meron siyang ginawa na hindi niya dati ginagawa.

"Tinamaan na akoooo. Walang hiya ka kupido~" Kumakanta siya habang tinititigan ang sarili sa salamin.

Hindi niya ba alam pero bigla nalang niyang natripan na kantahin yun kahit hindi naman niya kabisado ang mga linya at minsanan niya lang itong naririnig. 

Sinilip niya ang cellphone dahil napansing umilaw at nag-vibrate ito.

1 message received

From: 0917*******

Hello :D Sunduin kita?

-end of text-

To: 0917*******

- Hi! :) Sino to? XD Nech? Claire? Hannah? Kelly? Sorry di naka-save. Hmm. Ikaw bahala :) -

 

From: 0917*******

- Sige. Sunduin kita ha. 4pm. -

 

To: 0917******* 

- Okay! ^o^ Hintayin nalang kita. -

 

Hindi na nag-reply ang katext ni Chessa. Naalala niyang hindi pa nga pala niya kilala iyon. Pero okay na rin dahil sigurado naman siyang isa yun sa kaibigan.

Napatingin siya sa orasan. 9am palang. In-on niya muna ang laptop upang makapaglibang. Gumawa na kasi siya ng Facebook dahil sa pamimilit ng kaibigan. 

Hindi naman siya mahilig doon pero gumawa na rin siya. Alam naman niyang hindi magpapapigil ang mga kaibigan. At ngayon, kabilang na siya sa mga taong halos magdamag nakatambay. Na-enjoy niya kasi ang company ng mga tao doon. Lalo na yung grupo na nabanggit noon sa kanya ni Nech at Claire.

"Wtf! O__O"

 58 notifications

3 messages

39 friend requests

Limang araw palang ang nakakalipas noong gumawa siya ng account.

At parang kahapon lang, nagbukas siya at nag-check.

Gangster's "I Hate You"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon