Chapter 43 [Guardian Angelsss]

1.5K 13 5
                                    

Stop in the name of Death. Joke. Ang gusto ko lang namang sabihin ay pagpahingahin muna natin si Chessa. Medyo ibigay muna natin ang chapter na ito sa ibang tao. ^o^

At tsaka pala, since dalawa naman yung update ko ngayon gabi, baka next week na ulit yung susunod, kay? :D

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

[Guardian Angelsss]

 

[Kelly's POV]

*BLAG!*

Bigla nalang bumukas ang pinto. Hindi. Mali. Bigla nalang kumalampag ang tamang term.

"Anong nangyari?!"

*o*

T-totoo ba to? Nagtatanong talaga siya? Nandito talaga siya?

"GUYS! ANO BA! COME ON! WHAT THE FCK HAPPENED?! Bakit di niyo man lang sinabi sa akin yung mga nangyayari?! Kailangan pa sabihin ng ibang tao na nagkakagulo kayo!" Kitang kita ang pagka-bangag niya. Halatang wala pang tulog. Marahil, pagka-galing sa byahe ay dumiretso agad siya dito.

Kung naiisip niyo na siya yun, oo tama. Siya nga. Si John Luigi Tahara. Si JL/Luigi.

"Where is Chessa?!" Mukhang na-shatter ang lahat kaya walang sumasagot but Hannah managed to point at the door of the room.

Dali dali namang pumasok si JL sa pintong tinuro ni Hannah. Meron kasing small bedroom dito sa office ni Tita Ana. Siguro kapag gusto niyang magpahinga at bawal pa siyang umuwi, doon siya natutulog.

Tumayo kami at sinundan si JL sa kwarto. Nakita naming tulog pa rin si Chessa.

"Chessa!" Tawag niya dito saka nilapitan at niyakap. Dahil sa ginawa niya, nagising si Chessa.

"Hmm... L-Luigi?! A-a-anong ginagawa mo dito?" Nakayukong tanong niya.

"Ano ba! Ako pa ang tinatanong mo niyan?! Anong ginagawa mo sa sarili mo?" Hinaplos haplos ni JL ang buhok ni Chessa. Si Chessa naman, hindi na nakasagot.

Masaya akong makita na nag-aalala siya kay Chessa. Alam ko na makakatulong siya para mapasaya si Chessa. Para kasi silang mag-best friends. Pero... sa kabilang panig...

May iba akong nararamdaman. Hindi ko alam kung tama o mali na maramdaman ko to pero di ko mapipigilan...

Nasasaktan ako.

Hay. Oo na.

Gusto ko si Luigi. Matagal na. Simula ng nagkaalam ako sa mga ganitong bagay. Hindi ko lang masabi. Sino ba naman ako para masabi yun diba? HA HA HA. Isang hamak na childhood friend niya lang ako. Minsan, umaasa ako. Pero tanga ko nalang eh. Bakit nga ba ako umaasa eh wala namang basehan.

Gangster's "I Hate You"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon