Chapter 4 [Batch election. Meet... who?]*

3.7K 47 16
                                    

Dedicated kay Ate dahil KPOP Fan kami... Hahaha. Wala lang :))

Basta! Ambait niya. Yieeee :">

Thank you Ate :) <3

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

[Batch election. Meet.. who?]

Please Lord. Alam ko pong naging masama ako. Pero sana gabayan niyo ako mamaya.

Who's nervous?

C-H-E-S-S-A. ಥ_ಥ

And yes, it's friday. Sana gumana yung speech ko mamaya. Though maikli lang naman yun. Ayoko lang makarinig ng negative comments.

Wala kaming klase ngayon. Kahapon din wala eh. Pinagpasa lang kami ng mga requirements. Ngayon, election lang daw tapos free time na.

Tapos sa monday ata... Yung regular class.

"Chessa?"

"Po?" Sabay harap kay Tita.

Pagharap ko, nagka-tinginan sila ni Yaya Sol. Tapos bigla nalang...

"BWAHAHA. Bakit-- BWAHAHA ka ganyan? BWAHAHA" Tch! Ano nangyayari sa kanila?

*high five*

At nag-high five pa talaga sila? Kabaliw tong dalawang to! Pinagtatawanan nila ako! 

(ni Yaya Sol at ni Tita Alice) =__=

Susumbong ko kayo kay Mommy. *pouts*

Wala nga pala akong nanay. Tsk. Nevermind. -_-

 "Hah. Hah. Hay nako Chessa. Bakit kasi ganyan ang mukha mo. Natatae ka ba? Hah." Tita, na halatang hingal na hingal kakatawa.

Ganon ba kahalata? Na kinakabahan ako? (__.__")

"Eeeeeh. Tita naman. Kinakabahan ako mamaya."

Lately, kinakabahan na talaga ako palagi. Hindi ako magugulat kung atakihin nalang ako bigla sa puso. Biro lang. Syempre, magugulat pa rin ako noh! Ano yun, expected?

"Ano namang ikakakaba mo? Magaling ka naman eh. Maganda din ang message ng speech mo!" Oo tama siya...

"Pero Tita... baka kasi... Aish! Bahala na nga. Tara na Tita. Punta na tayong school."

"Oh kanina kinakabahan ka ah. Ngayon excited ka na?" Singit ni Yaya Sol. Pinagtutulungan nila ako! Child Abuse! Huhuhu.

Gangster's &quot;I Hate You&quot;Where stories live. Discover now