Chapter 30 [Status: Compl...]*

1.8K 17 0
                                    

Unti-unti na akong nawawalan ng time para sa wattpad... Tayong lahat naman siguro. Pero basta, maga-update pa rin ako. At tatapusin 'to :))) Eto, sorry ngayon lang. Enjoy <3

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

[Status: Compl...]

Ang Deadly Desserts at Wicked Angles ay naging buong barkada na.

Barkada na kung titignan ay lagpas isang dekada nang magkasama.

Pero kung maitatanong, apat na buwan palang ito mula nang magkakila-kilala at nabuo.

Madami silang natutunan sa bawat twist and turn na nangyari sa bawat isa. At umaasa silang mas marami pa silang matututunan sa paglipas at patuloy na pagtakbo ng panahon.

Lahat sila, nagbago. Natutong makisama at magpakatotoo.

Kanino man madikit, mananatiling makulit. Naging magandang halimbawa din sila sa ilang kabataan.

Natutong tumayo sa mga sariling paa, ngumiti sa mga problema at sabay sabay lutasin ang bawat pagsubok na dumating. At dadating pa. 

Ngayon, buong buo na talaga ang samahan nila. Wala man ang isa, lagi pa rin itong inaalala. 

Pag may panahon sila, sinusubukan nila itong kausapin. At sa ganong paraan, nalalaman nila kung kamusta na ito sa lugar kung saan siya naroroon ngayon.

Si Chessa at Charles... tinatawag ngayon na C3 ng karamihan.

C3: Chessa and Charles, the Couple. Kahit na hindi naman sila.

Si Hannah at Jm... Forever Sweet naman ang tawag sa kanila.

Dahil sa sobrang sweet ng dalawa, pinangungunahan na ng iba ang tadhana. At sinasabing next week, magugulat nalang sila ay kasal na ang dalawa.

Nech at Josh... ang isa pang sinasabing couple na parehong tahimik ang panig. Mga bulungan lang ang nagsasabing sila na daw o may something sa kanila. Pero wala pang napapantunayan ni isa sa mga ito.

Si Kelly, Mark at Claire... Ang mga proud na Forever Alone ng barkada. Maraming nagkakagusto sa kanila pero madalas silang magbiro at sasabihin ang katagang 'Strict ang parents ko' or 'I'm waiting for the right one' na purong kalokohan lang.

Lahat naman ay nakikisali o nakikisabay sa bawat kakulitan nila. Naging friendly na kasi sila.

Naging kaibigan na nila ang mga estudyante sa kahit anong year level. Kinakausap, binabati. Nakatulong pa nga ito sa kaunlaran ng eskwelahan. Lahat kasi ng rules ay sinisikap tupadin ng bawat estudyante. Dahil naniniwala sila na ikatutuwa ito ng sikat na barkada

Gangster's &quot;I Hate You&quot;Where stories live. Discover now