Chapter 10 [Bakit sila pa?!]

3K 44 4
                                    



Hey! You are such a good friend :)

Thank you! God Bless :) <3

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~






[Bakit sila pa?!]




Ilang oras na ang nakalipas matapos madala si Drake sa ospital.

Hindi ko alam. Hindi ko alam kung ano na ang kalagayan niya ngayon. Pero sana lang talaga, makayanan niya.

"Hija, stop crying. Just pray and keep the faith to God. Okay?" Oo. Umiiyak parin ako ngayon. Hindi ko kasi matanggap na may napahamak na naman dahil sa akin.

Nakakapagtaka nga lang dito kila Tita, lalo na kay Tita Ana, hindi sila umiyak. Nag-alala sila pero ni isang patak ng luha ay wala.

Ganon ba sila kapanatag na mabubuhay si Drake? 

"T-tita Ana, *huk* hindi po ba *huk* k-kayo nag-aalala *huk* o natatakot?"

"Nag-aalala din ako Chessa. Pero may tiwala ako kay Charles at sa Diyos." sabi ni Tita Ana abay ngiti.

Haay. Ano ba naman siya. Bat kasi ginawa niya pa yun eh. Napahamak tuloy siya :(

"Who's the guardian of the patient?" tanong ng kakalabas lang na  doctor galing sa private room. Diba dapat sa nasa ER? -__-

"I-i'm his aunt." Sabi ni Tita Ana.

Hinawakan naman ni Tita Alice ang kamay ko. Alam niya sigurong nag-aalala talaga ako.

"Mam, I'll be honest to you. The patient is in a critical condition now."

"H-how? P-paano po nangyari yun doc?"

"Grabe po ang mga pasang natamo niya. Mahinang mahina ang katawan niya. At ang mas nakapagpalala pa sa kalagayan niya ay yung sugat niya sa tagiliran. Malalim ito at maraming dugo ang nawala sa kanya." Pagpapaliwanag ng doctor.

"Doc please, gawin niyo po ang lahat." nagmamakaawang sabi ni Tita Ana na halos mapaluhod na.

"Wag po kayong mag-alala mam. Dadaan po siya sa mga test para malaman natin kung paano mapapabilis ang paggaling niya. Ang magagawa niyo lang po ngayon ay maghintay sa kanya at magdasal. Excuse me." Pagkaalis ng doctor agad na humarap si Tita Ana sa amin.

Gangster's &quot;I Hate You&quot;Where stories live. Discover now