Chapter 4

1K 18 0
                                    

Chapter 4

Buong maghapon, si Reagan, Erica at Feya lang yung kasama ko. Pinapakilala pa nga nila ako sa mga kakilala nila. Halos lahat ng students naman kilala nila. Si Reagan nga, hindi ko aakalain, president pala ng student council. Third year pa lamang siya pero president na siya?

Marami nang tao kasi medyo madilim na. nilibot naman kami ng dalawa sa school na to. Hindi naman ito masyadong malaki kumpara dun sa Hale. sa likod ng main building is may covered court tapos may mga classrooms sa gilid. Parang sampung classrooms lang nga yung nakita ko eh. Tinanong ko sa Reagan kun bakit konti lang yung classrooms, sabi niya dahil konti lang naman daw yung students. Naglalakad kami, si Erica at Feya dun sa una at kami ni Reagan ang sunod ng sunod sa kanila sa likod. Ang daldal nga nila eh, parang kinalimutan na nila ang mga bestfriends nila dito sa likod. Okay, kayo muna ang magsama. Haha.

Sa likod ng covered court, may gym tapos sa likod ng gym yung field. Sa gilid nung field eh yung dalawang building. Sabi dorm daw yun. Yung kulay blue na building sa boys at yung isa naman sa girls. Tango lang ako nang tango.

“Hoy, magsalita ka naman diyan.”  Sabi ni Reagan na tinapik tapik pa yung balikat ko. Ningitian ko lang siya at umiling ako.

Gabi na kaya pumunta na kaming tatlong babae sa dorm ng mga girls. Welcome na welcome naman kami dun. Ang saya nga nila. Tinanong ko yung dorm manager kung saan yung room namin. Sabi niya sa attic daw kami dahil wala nang bakante. Sumimangot naman si Feya nun at magrereklamo na sana. Tinapik naman siya ni Erika at sinabing. “Wag kang mag-alala. Roommate niyo ako. Maganda nga dun.”

“Eh pano kung maydaga dun?” parang batang tanong ni Feya. Tumawa naman si Erica.

“Anu ka ba, walang ganun dun. Hali na kayo.”

Pagpunta namin ng attic, ang ganda nga dun. Kita mo yung view sa ng city mula doon. Parang nasa bukid na kasi yung school na to kaya makikita mo yung view nung city sa ibaba. Ang ganda nga eh. Buti na lang, nandito kami.

“Ah, ang ganda!!!” manghang manghang sabi ni Feya nung tumingin sa may bintana malapit sa bed ko. Palit tayo ng place bok!”

“wag na oi! Ang hirap ilipat tong mga gamit ko no! diyan ka na lang!”

Swerte namin dahil tatlo lang yung beds dun sa attic tapos si Erika pa yung roommate amin. Akalain niya yun?

Kukuitin pa sana ako ni Feya nung napansin niya na seryoso na ako. Sabi niya takot daw siya kapag nagseryoso ako dahil parang si dad daw ako na nakakatakot yung aura kaya kapag ganayang kulitin niya ako, nagpapaseryoso seryoso ako. Haha!

*Beep* beep*

Rinig kong tumunog naman yung phone ko. Pagtingin ko 20 missed calls, puro nanggaling kay Dio. Sa hindi mo pang inaasahan na tao, akala ko kasi kay dad. Pero happy na din akong tumawag to.

“Hello?” sagot ko sa kanya.

“Uh—eh. H-hi Zai! Kamusta ka---I m-mean, kayo, diyan”

“Okay lang naman kami dito. May new friends na nga kami agad. Si Feya kasi napasa na niya yung entrance exam.” Kwento ko sa kanya.

“Uh ganun ba? So, goodluck sa inyo diyan ah? Ingat ka. Ingat kayo.” Sabi niya sakin.

“Ikaw din.”

“Tapos, dapat mamiss niyo ako.” Natawa naman ako dun sa sinabi niya.

“Syempre, mamiss namin ang panget mong magmumukha.” Pang-aasar ko. Parang hindi kasi cumpleto ang conversation namin kapag walang asaran…

“Hoy, ang gwapo ko kaya no? siya nga pala, wag mo muna akong ipagpalit diyan hah. Baka makakita ka nang mas gwapo pa kesa sa akin!”

“Wag kang mag-alala. Wala nang mas papanget pa sa iyo.” Tumawa naman ako sa kanya.

“heh! Sige, alis na ako. May practice pa akong badminton! Bye! Ingat.”

“Ikaw din, ingat.” Tapos binaba na yung cellphone ko.

Tinignan ko si Erica na gulat yung expression niya. “Marunong ka rin palang mang asar no? haha. Akala ko kasi napakaseryoso mo eh. No offence.” To talaga, kung ano yung nasa utak niya, sinasabi. I like that attitude of hers.

“Naku Erica, ganyan lang yan pagdating sa pinsan ko.” Pagbibiro ni Feya. Dahil nasa paanan ko siya, sinipa ko na siya pero yung mahina lang.

“Ouch. Ouch! Arouch! Sakit nun Miss Hale ah!”

“OA mo Fey!” tapos tumawa naman ako dun.

“Teka, Hale yung family name mo?!” tanong ni Erica. Tumango lang ako “Sa Hale ka nag-aaral?!” tumango ulit ako. “Wah talaga. Nandun kasi yung crush ko eh!!! Wahh. Kilala niya kaya yun?”

“Naku. Sorry to disappoint you Erica kaso eh wala kaming masyadong kakilala yun. Mga mahiyain kasi kami, lalo na ako kaya hindi naman namin siguro kilala yung crush mo.” Say ni Feya. Tsk, mahiyain daw siya?! Kapal ng mukha.

Nakita kong sumimangot naman si Erica. “Ganun ba? Di bale, pupunta ako dun baling araw tapos hahanapin ko yung taong karapat dapat saakin.” Pagdadrama pa ni Erica. Pareho sila ni Reagan. Pakiramdam ko, matagal ko na siyang kakilala rin.

Kinabukasan, first dayh of school ko na. pangalawang first day of school na namin ni Feya actually. Kinakabahan pa din ako. Pero dahil dun sa pagiging friendly nung mga tao, nawala ang kaba ko. Hindi ka kasi maiintimidate sa kanila. Kaklase naman namin si Erica at Reagan since iisa lang daw yung section nung third years kaya sinamahan na nila kami dun sa classroom.

Binati naman kami nung mga kaklase namin. Pinakilala naman kami ni Reagan since siya naman yung class president. Nagpakilala naman yung mga classmates namin sa amin. Umupo na kami sa seat namin. Umupo ako sa seat sa gitna dahil malapit yun kay Erica. Kami ni Feya umupo dun since dalawa naman yung bakante sa gitna at dalawa din yung sa likod pero para making daw ako nang mabuti, sabi ni Feya, sa gitna na lang kami umupo kasi kapag daw sa likod kami eh matutulog lang ako. Kaso nung umupo na kami dun eh sinabihan naman kami ng isang kaklase namin na may nakaupo na daw dun kaya sa likod na lang kami. I wonder kung sino pa yung nakaupo dun since nagsimula na yung class at wala pa rin yung mga nakaupo dun.

Puro orientation lang naman yung nangyari buong araw. Yung mga classmate pa nga namin, pinalibutan kami at naglaro para daw makilala pa namin yung name ng isa’t isa. May kinanta pa sila na song na pinapalitan yung name. basta ganun para daw matandaan namin yung name nung isa’t isa. Ang saya nga nila eh. Pagkatapos ng name game na yun eh halos kilala ko na silang lahat.

Tapos nung recess, sabay pa kaming lahat. Konti lang naman kasi kami. Twenty eight lang kaming lahat. Kami daw yung pinakakaonti na batch.

Ang saya nga nilang kasama kahit na iba iba yung mga personalities nila. May sinabi pa nga yung isa na mas mabuti daw na wala ‘sila’ dahil masaya daw. Ewan kung sino yung tinutukoy nila dun.

Si Reagan naman yung palagi kong kasama since pinalitan na ako ng bestfriend ko at pinaitan na din daw siya ng bestfriend niya. Nung dismissal na, ako na lang mag-isa yung naglakad papunta ng dorm since si Feya at Erica eh nagdadaldalan pa dun sa iba naming classmates, ako eh pagod na kaya sabi ko magpapahinga na ako sa dorm.

Sa daan papunta dorm, ewan ko ba pero may nakita akong lalaki, sa likod ng dorm ng mga boys. Inakyat niya yung pader papunta sa kabilang side…

Hindi ko siya nakilala since nakatalikod siya nun. Pinagmasdan ko lang siyang tumalon doon sa kamiang side nung wall.

Hmmmm…

Nerd's AcademyWhere stories live. Discover now