Chapter 1

2.4K 43 0
                                    

"Miss Agustin?"

"Thirty five po ma'am."

"Miss Timara?"

"Thirty!"

"Miss Hale?"

"..."

"Miss Hale????!!!"

"..."

"Tulog naman po ma'am!"

Narinig kong nagtawanan naman ang mga classmates ko kaya nagising ako dahil sa ingay. Pagdilat ko, nakita ko silang lahat na nakatingin sa akin. Tumuwid ako ng upo at parang walang pakialam na nakatingin saakin ang teacher na nanlilisik ang mga mata. Nahuli naman akong natutulog.

“Miss Hale?” tanong niya saakin.

“Po ma’am?” tanong ko naman.

Tinignan niya lang ako ng masama. Ano ba kasi?

Maynaramdaman naman ako na may sumiko saakin. I look at her direction tapos nagpout siya. “Score mo daw ija?”

“A-ah…”

“Raynie Zyrene Hale?” parang sumigaw na nun ang teacher namin. Alam ko naman na last na yun na tanong at kapag uulitin niya ulit yun, detention room ang punta ko.

Tinignan ko naman yung papel ko.

“Seven po ma’am.” Sabi ko sa kanya. pakiramdam ko, mas lalong nagalit saakin yun. Lowest daw bas a exam niya?

Medyo nacalm naman siya at tinuloy na ulit ang pagrerecord ng scores.

“Hahaha!” rinig kong may tumawa sa tabi ko. “Grabe ka bok, hindi ka makuhang pagalitan ng teacher. Kahit lowest ka na.” sabi ni Faith Antoinnete Agustin, a.k.a Feya, bestfriend ko.

“Sus, sanay na yan.” Biro ko naman sa kanya.

“Sanay na sila.” Dagdag pa niya.

Umalis na yung teacher namin at niyaya naman ako ni Feya na pumunta ng canteen. Since gutom naman ako dahil hindi nakapagbreakfast dahil super excited ako sa first day ng school kaya late na akong gumising.

“Yo!!!” may nilalang na lumapit saamin ni Feya habang naglalakad kami sa hallway. Nakabulsa pa yung kamay niya at parang kanya ang daan kung rampahan niya. “Long time no see Zyrene! Feya! Namiss niyaoako no?”

Wala paring pinagbago si Dio Cain Cabrera. Mayabang parin…

“Oo nga eh, namiss ka namin. Sobrang namiss ka namin.” Sarcastic na sabi ni Feya. “Namiss naming makakita ng panget.”

Napakunot noo naman si Dio “Tsk, sa gwapo kong to?” nagpacute pa siya at nagwink.

“Ewww!!!” Yung lang sabi ko tapos hinila na si Feya. Ang presko talaga ni Dio kahit kalian.

“Oi Zyrene, may nakalimutan pala akong sabihin sayo!” sigaw ni pa niya.

Hinarap ko naman siya. “Ano?!?”

“Hmmm…nakalimutan ko uli eh! Hahahaha” tawa pa siya nun ng tawa. Inignore ko nalang at tumungo na kami ni Feya sa canteen.

Tapos na kaming umorder at pumwesto na sa isang table na palagi naming tinatambayan.

“Grabe talaga ang Dio na yun Raynie, napakayabang!” reklamo pa niya. “Nakakahiya naman ng pinsan kong yun.”

Tumawa lang ako sa kanya. Yeah, pinsan niya yung si Dio.

“Hoy dito ako uupo ah?” nilingon ko yung nagsalita. hindi talaga siya magpapabackstab no?

“Aba, wag ka nga dito!” pagtataboy ko sa kanya. tumabi siya kasi sa akin kaya ayak, tinutulak ko siya lumayo. “Layas!”

“Eto naman si Zyrene oh. Ang damot mo na!” pinigilan niya yung kamay ko. Hinawakan pa niya ito. Natigilan naman ako.

Sige na nga lang, hayaan na. hindi ko na siya nilabanan at binitiwan naman niya ang kamay ko.

Actually, close naman kami ni Dio. Kaming tatlo ni Feya. We grew up together at bata pa lang, silang dalawa na ang bestfriend ko. Pero sabi nga nila, everything changes and people also do change kaya nung naghighschool na kami, medyo napalayo na saamin si Dio. Pero friend pa rin ang turing ko sa kanya.  Puro asaran nga lang ang ginagawa namin kada magkasalubong kami.

“Sige, parang hindi naman ako welcome dito, aalis na lang ako.” Parang batang sabi ni Dio, kaya ayun, umalis na. Alam ko namang arte niya yun eh. Loko talaga yun.

Tumungo naman siya sa clique niya. Puro mga boys tapos mga girlfriends nila ang nandun. Ang ingay pa nga nila dun at lahat ng attention ng mga tao dito, nasa kanila.

Those were popular kids.

This is Hale Academy. Like other schools, may mga grupo grupo din ang mga tao. Grupo ng mga simpleng tao, mga underdogs ba, mga commoners. May mga normal lang. Grupo ng mga geniuses, yung mga namamahala ng school, student council, at mga clubs. May mga grupo din ng cheerleaders and basket ball players. Kung tatanungin ako kung saan ako sa mga yan? Wala.

“Oi Raynie, tulala ka naman! Haha.” Tawa pa si Feya. Ito talaga, kahit wala namang nakakatawa doon, tawa pa rin. Tsk, ang babaw ng kaligayahan.

Bumalik na kami sa classroom.

Puro pre-test lang yung binigay saamin. Hindi ko naman alam kung paano sasagutin ang mga yun kaya bahala na, random letters na lang yung nilagay ko sa testpaper at natulog na ako. As usual, ako naman yung pinakamababa.

Naging mabilis lang yung araw at Friday na ngayon. Wala naman nangyaring special this week. Kaso, ngayong Friday…

“Uy Zai, sorry.” Dio approached me to say that.

“For what?”

“Basta, sorry hah?” sabi niya lang saakin na malungkot pa. Ito ba, niloloko ako? Siguro, first time na kinausap niya ako sa walang halong pang-aasar eh. Siguro prank lang to.

Bago ko pa siya kulitin, pumunta na siya sa upuan niya sa likod. Parang nagworry naman ako.

“Miss Hale, pinapatawag po kayo ng papa niyo.” Biglang sumulpot si Ben, yung butler namin sa pinto ng classroom. Kasama niya ang mga bodyguards sa likod.

Tumango na lamang ako. So, dumating na pala si papa? Sumunod na lang ako sa kanila. Hindi na ako nagtanong kasi alam kong hindi naman nila alam. We reached my father’s office dito sa school at binuksan ko naman ito. Hindi na sumunod saakin si Ben.

“Hi dad.” Bati ko pa sa ama ko at sinarado na yung pinto. Hinarap ko siya ulit at lumapit sa kanya. he is reading something.“Kamu---“

“Maupo ka Raynie.” Sabi niya sa akin. Sinunod ko naman siya at umupo ako sa chair sa harap ng table niya. I studied his face at alam kong galit yata siya.

“Ano po yun?” tanong ko. Pero kinakabahan ako. Yung aura kasi niya…

“Pinapahiya mo ba ako hah?” nagulat ako dun. Calm lang ang pagkasabi ni dad pero alam mong galit siya.“Dio passed a report to me. It says na ikaw palagi ang pinakamababa sa exam, natutulog sa klase at kung anu ano pang kalokohan.”

Nanahimik lang ako.

“Raynie, ikaw ang magmamana ng mga properties natin tapos ganyan? Magpapakaboba ka?”

I tried not to cry. Nasaktan kasi ako dun sa sinabi ni Papa. Pinipigilan ko ang luha ko.

“Kaya itatransfer kita.”

Tinignan ko lang siya. Nagnod lang naman ako. Hindi na ako mapoprotest “I’m going to transfer you to Willson Academy.” Tuloy pa niya.

WHAT?!

Nerd's AcademyWhere stories live. Discover now