Chapter 2

1.2K 24 0
                                    

Chapter 2

Final na ang decision ng dad ko. I tried to plead pero basta ama ko, hindi na mababago ang decision niya. Now I’m doomed.

Sa Monday na daw ako lilipat doon. He explained things to me. He said na magiging scholar daw ako?! Tapos ang allowance ko daw, kalahati na lang?! tapos dapat mapanatili ko yung scholarship ko dahil kapag daw napass out ako sa school na yun, ibibigay niya daw ako sa lola ko doon sa Egypt? I don’t get it. Pinaparusahan niya ako, okay. Pero nagbibiro ba siya? Ako scholar? Saan ko naman pupulutin yung grade na yun?

Ang masaklap pa, Willson Academy yun. School dawn g mga nerds. Boarding school pa. I heard stories about sa mga students diyan. Mga weirdo daw? Haha. Ako, masasama sa mga nerds na yun? Ang bobang ako, with geniuses?! Nagbibiro ba ang dad ko? Oh well, hindi siya marunong magbiro.

One thing, nasa isang island pala yung school na yun. Tsk, napakaswerte mo talaga Raynie.

Saturday na ngayon at sinabi k okay Feya na samahan ako sa mall at ienjoy ang last day ko with my credit card. Sinabi ko sa kanya ang kaswertehan ko at sabi pa niya, sasamahan daw niya ako dun. Serioso siya. Tinawagan pa nga niya yung mom niya at dahil spoiled yun sa mom niya, pinayagan naman siya. Akalain mo yun? Tapos friend pa ng mom niya yung may-ari ng school. I hope papayagan na magtransfer siya dun since sabi ni dad, puro scholars yung nandoon at walang maynagbabayad ng tuition. Ang labo nga eh, paano ako makakapasok dun kung puro matatalino ang nandoon?

Sa Willson Academy kasi, puro nga scholars ang nandoon. Grabeng pagsubok daw ang haharapin mo para makapasok sa school na yun. Lol! Tapos kapag nakapasok ka na daw, dapat panatilihin mo yung grade mo sa 85. Okay, ang pinakamataas kong grade mula nung pagtungtong ko ng highschool is 86. Siguro naman makakaya ko yan noh? Kung hindi edi Egypt yung punta ko. Malala, sa lola ko ako titira which means mapapatay ako dun. Get it? Kaya dapat sikapin ko yung grades ko.

Gabi na at sabi ni Feya, uuwi na siya. Babalitaan na lang daw niya ako kung pwede siyang magtransfer dun.

Nagpaiwan lang ako since nabitin pa ako sa pinambili ko. Dapat sulitin ko na tong credit card ko dahil wala na to bukas. Kalahati na lang ang allowance ko. Tsk, daddy, you’re so bad. Pero deserving naman ako sa ganitong parusa diba?

Tumungo ako sa bookstore. Yung mga bodyguards ko na kasama kanina eh pinauna ko na lang sa kotse since pawis na pawis na sila sa pagdadala ng mga paperbags at kung anu-ano pang pinamili ko. Pumili ako ng sampung libro dito sa bookstore. Hindi man ako matalino pero nageenjoy naman akong magbasa ng libro. Dinagdagan ko pa ng limang libro kaya nabigatan na ako. Siguro tama na muna to.

Naglakad na akong patungong counter. Medyo nahirapan ako kasi fifteen na malalaking fiction books yung dala ko at hindi ko na Makita yung daan. Kaya---

*Boom*

Nabitawan ko yung mga libro. Isa na lang ang naiwan sa kamay ko. Lahat nasa sahig na. lahat tuloy ng tao sa bookstore, nakatingin sa akin.

“M-miss, sorry.” Sabi nung lalaking nakabangga saakin. Sinimulan niya naman pulutin yung mga libro. “Sorry talaga.”

“O-okay lang. ako naman tong nakabangga.” Sabi ko at pinulot na rin yung mga libro. Natipon na niya yung mga libro ko kanina. At tatlo lang yung napulot ko sa sahig.

“Tulungan na kita.” Sabi nya na nakangiti pa. tinitigan ko siya at wait—parang familiar ang mukha niya eh. Ningitian ko lang naman siya. I bet magkaparehas lang kami ng edad nito.

“Thanks.” Say ko lang sa kanya.

“Wag ka nang magthank you, ako naman talaga ang may kasalanan.” Nagsimula na kaming maglakad papunta sa counter. “Whew, ang rami mo namang libro. Nerd ka no?” sabi niya. Tinignan ko lang siya ng masama. “Uy, joke lang.” tumawa siya.

Ngumiti na rin ako. “Nope, bookworm siguro.” Sabi ko na lang sa kanya.

Nagbayad na ako dun sa counter at nilagay na sa plastic yung mga libro. Ang bigat nga eh.

“Miss, need help? Parang mabigat kasi.” Sabi ulit ng boy. Ningitian pa niya ako.

“Wag na, kaya ko na to no.” pagtanggi ko naman sa kanya. pero ang gentleman niya hah.

“Sige na. alam kong mabigat yan.”

Tama siya, napakabigat talaga. Nasaan na ba sina manong Roy?

Bago pa ako makapagsalita, kinuha na niya yung plastic bag ng mga libro.

“T-thanks” phew, salamat, napakabigat kasi nun. Buti na lang…

“Welcome. Reagan nga pala.” Inabot niya saakin yung kanang kamay niya dahil yung isa ay nakahawak dun sa plastic.

“I’m Raynie.”

“Nice meeting you, Zyrene.”

***

Nakauwi na ako ng bahay. Tinawagan pa nga ako ni Feya. Sabi niya, pumapayag na daw yung may-ari ng school na papasukin siya doon pero dapat kumuha din siya ng entrance exam. Kinwento ko naman sa kanya yung guy sa mall na Raynie ang pakilala ko sa kanya pero Zyrene ang tinawag niya sa akin. Hindi naman siya nabigla kasi daw sikat daw ako kaya hindi naman nakakabigla na kilala ako ng mga tao. Ewan kung papaniwalaan ko ba yun. Hindi naman kami nag-usap ng matagal kasi sabi niya mag-aaral pa daw siya para paghandaan yung entrance exam.

Dumating si dad kasama si Tita Kristen. Nag-usap lang sila doon sa may garden. Ako naman, hinintay kong umuwi si Tita para kausapin si dad. This time, wala akong planong makipagtalo sa kanya. alam ko naman kasing hindi ko na mababago ang pag-iisip niya. Habang naghihintay, inayos ko naman yung mga gamit ko na dadalhin bukas. Tinulungan naman ako ng mga katulong namin.

Eleven na nung nakauwi si Tita Kristen. Inapproach ko naman yung room ni papa. Nakita kong pagod siya kaya tinanong ko na lang siya kung kukuha pa ba ako ng entrance exam. Sabi nya, hindi na daw dahil binayaran na niya yun. Pagbubutihin ko na lang daw ang pag-aaral at ang grades ko. Yun ang sabi niya sa akin na walang gana pa.

Bumalik na lang ako sa room ko at nakita kong nakahanda na yung mga gamit ko dun bukas. Napabuntong hininga ako. Kamusta naman ito? Kakayanin ko ba yung Willson? Tsk ano ba yan, ang negative ko ngayon ah. Syempre, kaya yan Raynie!

Then, kinabukasan, I just found myself in front of that school.

Nerd's AcademyWhere stories live. Discover now