Chapter 15

571 17 2
                                    

Nilapitan ako ni Reagan at sinabing…

 “yes Zyrene,  it’s me…

… John…”

*Poink*

“Aray naman Zai! Makabatok lang, wagas!!! Tsk tsk” sabay kamot sa ulo niya na binatukan ko. Loko kasi to eh.

“Wag ka ngang magbiro!!! Ikaw, si John, iisa? Weh?”

“oo nga sabi!!! Sandali lang.” tapos tumakbo siya.

“Oi, san ka pupunta?”

“Maghahanap ng ibedensya! Intay!”

Nang bumalik siya, dala-dala niya yung mascara ni John.

“O, tingnan mo oh.”

Sinuot niya yung mask then…O_O

“Hala, oo nga no? magkamukha kayo ni John?” tapos pinagmasdan masdan ko pa yung mukha niya. “Kaso, mas gwapo pa rin si John kesa sayo.”

“Eeeh!!! Ako nga kasi ito eh! Si John! Tsk.” Tapos kinamot niya naman ang ulo niya na parang batang naiinis. Natawa na lang ako. Sarap palang asarin neto eh! Haha

“Joke lang! oo, ikaw na si John! Psh. Ginawa mo pa akong mukhang tanga!!! Pinahirapan mo pa akong hanapin yung mistery guy na John. Alam mo ba, ilang gabi akong nagpuyat kakasearch dun sa mga students’ profile para malaman lang kung sinong John yun?!! Langya ka!!”

Yumuko naman siya na parang nakoknsensya. “Tapos, alam mo ban a halos araw araw, nililibot ko tong school na to, pinagmamasdan ang mga mukha ng bawat students para lang magkahint sa John nay un?!!!” sigaw ko pa. “Tapos, yung lalaking palang yun, nakakasama ko lang araw araw?!! Nandyan lang pala sa tabi tabi?!!”

“Sorry po.” Nakayuko niyang sabi. “Pasensya na Zai.” Kita mo sa mukha niya na sobrang nakokonsyensya na talaga siya at parang batang pinapagalitan. Hindi ko inaasahang makita kong ganyan ang president ng supreme student government. Tiklop oh.

*silence*

“WHAAAAAAHAHAHAHAAHAHAHAHAAH!!!!!” malakas kong tawa. Haha. “Joke lang! para kang mumoy oh! Haha! Parang bata!”

“Huh?” O_o??

“Sabi ko, Joke lang!”

Haha, hindi naman talaga totoo yung sinabi ko na nagpuyat ako kakahanap sa kanya sa students’ profile at palagi kong iniikot ang school para mahanap lang kung sino siya no?! lol. Tinatamad kaya ako.

“RAYNIE ZYRENE?!!!!!” sigaw niya na galit na galit tapos hinabol habol pa niya ako! Haha. Ang ingay na nga naming eh. Gabi na kasi.

Dahil nga ang haba ng paa niya at mabagal akong tumakbo, nahabol niya naman ako at kiniliti nang kiniliti hanggang nakahiga na ako sa sahig. Sigaw ako ng sigaw na tama na! hindi pa rin niya ako tinigilan kaya…

*PAK!!!*

Lumipad siya sa kalawakan tapos may nagwink na star. Yung parang sa mga anime. Haha. Joke.

Sinipa ko siya sa ulo at nakahiga na rin siya sa kawayan na sahig. Tawa lang kami nang tawa.

Tapos tumahimik.

“Zyrene?”

“Hmm?”

“Sorry hah? Na niloko kita?”

“Ausus. Okay lang. sorry din pala.” Sabi ko

“Dahil?”

“Dahil sinipa kita.”

Mahina kaming tumawa tapos sa pagod, nakatulog na ako.

***

“Bright cold silver moon

Tonight alone in my room

You were here just yesterday”

Nakagising ako nung tumunog ang cellphone ko.

“Hello?” nakapikit ko pang sabi. Inaantok pa kasi.

“Hello Rai, hoi iha, nasaan ka ngayon? Bakit hindi ka nakauwi ditto sa dorm?!!!” sermon yan ni Feya.

“Ai sorry. Nandito kasi ako natulog sa---“ <_< *tingin tingin sa paligid >_>

“Saan?!”

“Ah, s-sa---sa--- sa STAFF house!!!” pagsisinungaling ko. Pero ang totoo, nandito ako sa hide-out ni John---este Reagan. Nakatulog pala ako dito? Tapos---hala, katabi ko pa si Reagan!!!“O-oo. Nandito ako natulog sa staff house. Nadetention kasi ako tapos pinalinis kami dito dahil may dadating dawn a bisita. Ginabi na kami kaya sabi dito na lang daw kami matulog” more LIIIIEEESSS!!!

“ah. Sinong kasama mo?!” aray naman Fey! Para kang nanay ko! Talaga naman oh..

“Si Reagan.” Sabi ko. Hindi na ako nagsinungaling. Nakonsyensya na ako.=____=

“Ahh. Ok. Nadetention din siya?” waaah! Ang daming tanong!

“A-ah—hindi. May inasikaso lang kasi siya. may inayos lang siya ditto at siniguradong malinis yung staff house para sa mga visitors mamaya! ^____^”

“Ok.”tapos binaba na niya yung tawag. Phew!

Buti na lang, medyo may talent ako sa pagsisinungaling.

“Staff house huh?” sabi ng mokong sa tabi ko. Gising na pala siya. “Ang galing.”

“galing?”

“galing mong magsinungaling. Haha” kinamot kamot pa niya yung mata niya tapos *yawn*. Haha, parang bata!

“Well, thanks for the compliment.”

Natawa naman siya.

“Oi, Reagan, alis na ako. Mapapagalitan pa ako ni nanay Feya ko. Sige, una na ko! Bye!”

“Ok. Happy trip!” sabi niya tapos natulog ulit.

Loko talaga yun. Happy trip? Di ko gets.

Yung nga, nagsimula na akong maglakad papuntang dorm.

“Hoi Zai!!! Intay!!!” rinig ko ang boses ni Dio. Nilingon ko siya at nakita ko siyang nagmamadaling lumapit sa akin.

“Oh, Dio? Bakit?” tanong ko.

“Uhm, tumawag kasi si Tito kagabi.” Hingal na hingal pa niyang sabi.

“Si dad? Ano daw ang sabi?”

“Hindi ka daw niya macontact tapos sabi niya hanapin daw kita. Emergency daw eh.”

“Ok, tawagan ko na lang siya mamaya.”

“No, Zai, ngayon na.” ibinigay niya sa akin ang phone niya. Denial ko na yung number ni dad.

“Hello dad?”

“Oh, Raynie, bakit hindi kita macon-“

“Ai sorry po. Na-off ko kasi ang cellphone ko. Sorry dad.”

“It’s okay. It doesn’t matter. Pinatawag kita dito dahil may mahalaga lang akong sasabihin sayo.” Parang malungkot niyang sabi.

“Oh, ano po yun dad?”

“Raynie, I want you to come back here. Dito ka na ulit sa Hale mag-aaral.”

Nerd's AcademyWhere stories live. Discover now