Chapter 10

734 18 0
                                    

Chapter 10

 Wednesday na at umuulan. Grabe, ikalawang week ko pa lamang dito pero feeling ko pwede nang mabasag ang cranium ko! Ohdiba, ‘cranium’, other word for skull. Haha. Share lang kasi ngayon ko lang nalaman yan. Isa pa, ngayon ko lang nakabisado ang mga parts ng skeletal system. Yung mga cranium, pelvis, femur, kachuvaekan. Ang problema, yung mga common o mga kilalang skeleton lang yung kilala ko. Malay ko ba na nung second year ang mga kaklase ko, pinamemorize sa kanila ang eksaktong 206 na bones. Ohdiba, ang talino ko, alam ko na kung ilan yung bones natin! Pero, hindi pa rin sapat yun! Huhu.

Okay, stop na sa drama. Kung tatanungin niyo ako kung kamusta ang simula ng ikalawang lingo ko dito, sasabihin kong, super opposite ng word na masaya. Gets? In short…super hindi masaya. Pero yung mga lukang lukong mga kaklase ko, parang wala lang. parang..okay, yan lang naman pala eh. Review lang ng buong skeletal system. Sus, nung second year pa yan. Ang dali dali lang naman pala niyan.

Anong madali diyan?! Zygomatic processes, temporal bone, squasomal bone, etc. Anong madali diyan?! Tsk. Palibhasa mga nerds kayo!!!

Problema ko pa, Advanced Biology pa LAMANG yan. May Physics pa po ako at Chemistry. Oh diba, tatlong Science. May tatlo din po akong Math!!! Statistics, Pre Calculus/Trigonometry, at Analytic Geometry. Diba, bongga!!! Parang nagcollege lang…

Sa totoo lang, ikalawang lingo ko pa lang dito, paslang na paslang na ako! Hindi ko pa nga alam ang mga basics sa mga yan eh. Walang kalaman laman yung bean-sized kong utak! Bakit ba kasi natutulog ako sa klase. Tsk! Balik na ako sa Hale Academy!

Hai naku.

Pero Raynie Zyrene Hale, kung fail ka dito, Egypt yang punta mo. Mas malala pa yun kesa dito so, I’m an optimist, kakayanin ko ito.

Hai, hanubayan, nababaliw na ako.

Ngayon, talagang napakalaki ng problema ko kaya eto ako, nakaupo lang mag-isa sa bench kasama ang sketchpad ko at dinodrawing ang kabao ko. Totoo, ginuguhit ko na yung kabao ko. Gusto ko ako ang magdedesign nun para maganda. Mamaya, iguguhit ko na din yung susuotin ko kapag namatay na ako. Feeling ko kasi, hindi na ako magtatagal sa mundong ito at sasabog na yung utak ko at mamamatay na ako.

Tsk, mga kung anu ano yung iniisip ko. Mapunta na nga sa canteen. Gutom lang to.

Yun na nga, pumunta na ako sa canteen at kumain. Tsk, loner na ako. Wala kasi si Feya at Erica. May practice sila sa club nila. Si Reagan naman busy sa Student Council. Si Ate Janel naman busy din dahil malapit na ang Environment Week at siya yung president sa Youth for Environment so…ayun. Nga pala, close na kami ni ate goddess. Nung Sunday nga ay nagshopping pa kami at dinala pa niya kami ni Feya sa church nila. Tapos minsan sa gabi, tumatambay siya sa room namin at nakikipagkwentuhan.

Okay, back to Earth na Raynie. Tsk, anubayan, ang boring! Wala akong kasama. Kanina pala, pinuntahan ko si John sa kubi niya. Kaso, wala siya dun eh.

“Hello Miss Hale.” nabigla na lang ako nung namalayan kong may katabi pala ako. Pagtingin ko, si ano pala, si…sino ba to? Froilan yung name eh.

“Ako pala si Froilan.” Tapos inabot niya ang kamay niya sa akin. “Do you mind if I sit here. Nakita ko kasing wala kang kasama eh.”

“Okay lang.” sabi ko na lang tapos tumabi na siya sa akin. May hawak hawak siyang soda.

“Siguro nagtataka ka kung pano ko nalaman yung name mo ano?” sabi niya sa akin. Oo nga pala no? pano niya nalaman ang name ko? Diba tinawag niya akong Miss Hale?“Ito, ikukwento ko sayo. Galing din kasi ako sa Hale Academy.” Say niya.

“Oh, talaga. So schoolmates pala tayo.”

“Yep. Siguro hindi mo ang ako nakikilala noon oh nakita. Oo nga pala, bakit pala maiinvolve ang anak ng may-ari ng school sa isang outsider.” Kwento niya. Parang nahiya naman ako. Hindi kasi ako nakikipaghalubilo sa ibang students escept kay Feya at kay Dio. “Ah, never mind.”tapos uminom muna siya ng soda. “Pero hindi ka lang pala schoolmate. Boss ka pa pala ng papa ko.”

Sa sinabi niyang yun, napatingin ako sa kanya. “amo ng papa mo?”

“Uhm, yep. Nagtatrabaho ang family ko sa inyo. Yung papa ko, chef niyo. Yung mama ko naman, secretary ng dad mo.”

“Mama mo si Ate Conie? Tapos papa mo si Chef Art? Wow, bakit hindi kita kilala?”

“Kasi, hindi mo naman ako napapansin noon eh.”

Napatingin naman ako sa kanya na nagtataka.

“Haha. Joke lang. hindi naman kasi ako palaging pumupunta sa inyo.”

“Okay, pero siguro nagkita naman tayo noon diba?”

“Oo.” Tapos ngumiti siya. “Nga pala, kaibigan mo si Feya diba?”

“Ah si Feya? Yep. Bestfriend ko siya. Bakit?”

“W-wala. Wala. Sige, alis na ako.” Tumango lang ako sa kanya tapos umalis na siya. Bigla naman akong may naalala. Nung umiyak pala nun si Feya, si Froilan yung lalaking umaaway kay Erica. Ano kaya ang kinalaman niya dun?

“Butiking napipi!!!”sigaw ko! Hinarap ko yung kumiliti saakin tapos

O_Oßyan oh. Yan yung mata ko sa gulat.

“DIO?!!!!”

Nerd's AcademyWhere stories live. Discover now