Chapter 17

444 11 2
                                    

Feya’s POV

Ay langjo yang Raynie Zyrene nay an oh! Nacutting?!!! Nagcutting! Akala ko ba nagbago na yang babaeng yan! Ay nako, ako hinahighblood sa kanya eh! Isama mo pang magaling kong Pinsan na si Dio! Shete lang hah…

Maaga pa ang dismissal ngayon kaya umuwi na ako ng dorm. Badtreep eh!

Saktong paakyat na ako sa stairs nang nakita ko ang napakabait kong bestfriend.

“Feya!” aba, ang saya pa ng pagbati niya sakin hah. Mukhang mai ikukwento pa. masigawan nga…

“Hoy, Raynie Zyrene Hale, where have you been hah?! Nagcutting ka nanaman! San ka pumunta?!?! Lumabas ka ba ng school premises?! Pano kung maymangyari sayo?! Sinong kasama mo?!” sigaw ko. “Ano ba, sagutin mo nga ako!”

“Calma nga Fei, highblood mo naman. At ang daming tanong hah. Can you please repeat the questions?”

“Ay pilosopo kang babae ka ah?! Magseryoso ka nga!!!!”

“Okay, okay! Nagcutting lang kami ni Dio. Lumabas kami papuntang town proper. Lakwatsa lang ba. Nabadtreep kasi ako kanina kasi tumawag yang langya kong ama. Tsk.”

Ah ganun pala. Dahil sa dad naman niya. “Ah okay. Magkasama pala kayo ni Dio.”

“Yep. So, di ka na galit?” ngumiti na lang ako. “That answers it. Tara, akyat na tayo. Maliligo pa ako. Super lagkit ko na kasi eh.”

In the end, hindi nakwento ni Ray ang adventures nila ni Dio. Pagod na pagod eh. Natulog na.

Nag-answer na lang ako ng assignment at pinakialaman ko na lang mga gamit niya para hanapin ang notebook para copyahan naman siya ng assignment. Siyempre, kahit illegal tong ginagawa ko, bestfriend ko to eh! Ayokong bumagsak to. nakita ko kasi ang effort niya. Super! Ako nga nasusurprise na makacope up siya sa mga lessons dito knowing na walang natutunan yan sa Hale at puro kalokohan lang ang alam. Tsk.

Nilagay ko na yung notebook niya na may answers sa bag niya. Sakto namang gumising ang bruhang to.

“Nakatulog ako?” tanong pa.

“Malamang, gabi na nga oh. Bangon na nga diyan, dinner na tayo.”

Kasabay naming si Dio nagdinner. Wala lang, mukhang pagod din. Ano kayang ginawa ng mga to? third wheel ako dito ah! Hehe.

“So, kamusta ang lakad niyo?” tanong ko. Curious kasi ako eh. Well, ako kasi ang klase ng tao na gustong malaman lahat ng ginawa ng mga kaclose ko. Every detail pinapakwento ko talaga. La lang, curious lang. para updated naman ako sa mga buhay nila. Esp itong si Ray at Dio.

“Ah, yung kanina ba? Wala, pinuntahan naming ang girlfriend ni Dio.”

“Girlfriend?! Agad-agad?!” *glares at Dio* “saksakan ka talaga ng landi, alam mo yun?”

“Hoy, wag ka ngang maniwala sa babaeng to! hindi ko girlfriend yun ah! May-asawa na kaya yun.”

Ako: Wow Dio hah, pati may-asawa nilalandi mo?!

Dio: Hindi nga kasi girlfriend yun! Mandiri ka! Si Ate Ning yun! Tindera sa palengke! At asawa niya si Mang Makoy, isa namang mangingisda! Ano ba, ikaw nga Zyrene magkwento diyang kay Feya! Hindi ako pakikinggan niyan eh! At ples lang, wala namang halong kalokohan oh.

Ray: Ewan. Kapagod. Feya, maniwala ka na lang sa esplanations niyang pinsan mo. *to Dio* kaw na magkwento.

Dio: Pms ka, alam mo yun? *to me* nakilala ko yang mag-asawang yan kasi napagkamalan nila akong magnanakaw sa palengke. Ewan nga, sa itsura kong to, magnanakaw? Lul. Ginapos pa nga ako ni Mang Makoy. Pero maynagsumbong sa kanya na yung katabi ko sa palengke yung nagnakaw pala…so….basta, nahiya yung mag-asawa sa akin kaya para makabawi, dinala nila ako sa bukid nila. Natuwa naman ako dun. Kaya yun, every week-end, dumadalaw ako sa kanila.

*stares at Ranie* “Ray, sure kang si Dio to?”

“Ewan kung anyare dyan. Andrama nga eh.”

“Ano ba kayo guys! Hello, ako to no?! mali bang maapreciate ang nature ngayun? Dinala pa nga ako nila sa isang falls at pinatanim ng palay.”

“So, magsasaka ka na ngayon? Ang korni lang Cabrera!”- Ray

“Nagsalita ang di nag-enjoy.”

“Anong kaenjoy-enjoy dun?”

Wala sa mood si Zyrene. Dahil pa din ba ito sa Dad niya? Naglokohan lang ang dalawa. Si Dio lang pala, kinukulit si Zai.

Pagkatapos nun tumungo na kami sa room.

Nandun ang lintek na Aubrey na yan! Okay lang. nakitambay lang siya. Nag-uusap yata sila ni Erica eh. Okay, anong meron?

“Oh, nandyan nap ala sila Ric. Just tell him I said thank you hah?”

Tumayo na siya at nagsmile pa samin nang nagkaharap kami hah! Okay, this is weird. Nilagpasan niya kami nang walang snide words oh ano. That is not so Aubrey.

“Ano yun? Anyare dun?” tanong ni Raynie.

“Oh, nothing.”

“Erica? This is sooo unusual. Kwento na!”

“Sorry guys. Can’t tell anyone eh. I promised her.” With that, pumasok na sa banyo si Erica. Natulog nalang ako. Pero I can’t help wondering. Bat bumait si ate?!

DIO’s POV

Kwento ko lang nangyari kahapon.

*Flashback*

Dinala ko si Ray sa tinutukoy kong “babae”. Actually, si ate Ning lang naman yun. Ewan ko ba ba’t ganyan pagkakasabi ko kay Raynie. Hahaha. Akala niyo din may nilalandi ako no?! Asa kayo men, sabay sa pagbabagong buhay ni Raynie ang pagbabagong buhay din ni Dio Cain!!!

And besides…never mind.

So ayun nga, sumalubong sa amin si Ate Ning. “Dio!!! Napadalaw ka! At---uy! Sino tong kasama mo?”

Raynie: *whispers* “Yan ang babae mo?”

Natawa nalang ako.

“Ate Ning! Si Raynie ng pala, classmate ko. Ray, si Ate Ning.”

Hindi parin nakapagsalita si Zyrene. Ngumiti lang siya. Mali-mali siguro yung naiisip nito. Haha.

Bigla naman lumabas si Mang Makoy. “Oh Dio! Iho! Nandito ka pala! Wala kayong pasok?”

*nagkatinginan kami ni Ray*

“Ah, hehe. W-w----“

“Nagcutting po kami.” Ay panirang Zyrene to oh! Bat ang honest niya?!!!

“Ano?! Dio, ijo, hindi niyo baa lam n----“

“Na blah blah blah…ate Ning naman! Narinig na namin ni Ray ang line na yan for like what--? A million times?”

“Ay bastusin kang bata ka! Bumalik na nga kayo sa paaralan niyo. Tsk, sobrang paghihirap ng mga magulang niyo para makapag-aral kayo ng maayos---“

“Sabi nga nila Ning na narinig na nila ang linyang yan eh. Paulit-ulit. Pabayaan mo na si Dio. Nandito na eh. Parang di mo rin yan naranasan nung kabataan ka.” Sabi ni Mang Makoy.

“Ay, bastusin ka din ah!” sigaw nito sa asawa. *tingin sa amin* “san niyo gustong pumunta? Ano gusto niyong kainin?”

Sa huli, namitas kami ng mangga sa manggahan nila. Tapos bumisita kami sa maliit na kweba, hindi kalayuan sa bahay nila. Nagtampisaw lang kami ni Ray dun. Pay maliit kasi na parang swimming pool sa loob. Hindi kami naligo kasi wala naman kaming damit eh. Sumakay ako sa carabao. Hindi nagdare si Ray kasi takot ito dito. Nanood din kami sa pag-harvest ng mga tauhan nina mang Makoy sa mga kamatis nila. Nakisali rin kaming dalawa. Pagkatapos nun, nagpicnic kaming dalawa sa manggahan ulit nila. Pumunta na kasi ang mag-asawa sa palengke. Natulog lang kami dun. Tsaka, one last tour sa bayan at umuwi na.

Nung pinark ko ang bike. “D, thanks hah? Bye!” sabi ni Raynie

“No probs. Next time, sama naman natin sina Feya. Sige Ray, una ka na, mukhang pagod na pagod ka na eh. Itatago ko lang tong bike ko.”

Tapos nun, nauna na siya. pinagmasdan ko habang lumalayo siya.

Little did she know, that I consider this day as my “best day”…so far.

Nerd's AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon