Chapter 10

1.1M 13.7K 3.5K
                                    

Chapter 10


Gino's POV


AgentYellow:  Kita na tayo please! *puppy eyes*


Shemay.

Gustong gusto ko na talaga siyang makita.

Makausap ng personal.

As in, parang nao-obsess na ko.

Para bang hindi ako makatulog until nagkita kami.


Hay...

Sino ba kasi itong Ela na toh?

Lakas mangasar eh.


BossPrincess: I told you, SOON. Gerald, sa birthday ko talaga.

AgentYellow: Eh ang tagal pa nun eh. (T_T)

BossPrincess: Hindi ah. Malapit na yun...

AgentYellow: Gusto ko, ngayon na eh.

BossPrincess: Ikaw ha! Ang lakas na naman ng topak mo. Sige nga, ano na naman ba nangyare ngayong araw?


I smiled.


Grabe, kilala niya na talaga ako.

Kapag kasi nangungulit ako, ibig sabihin, nabadtrip ako.

Stress Reliever ko nga kasi siya diba?


AgentYellow: Madami. May nakaaway ako.

BossPrincess: Ulit? Grabe ka! Stop that okay? Bad yun! Baka bugbugin ka na nila kapag nagkita-kita kayo ulit.


Asus.

As if naman na kaya nilang gawin yun.


AgentYellow: Pero Ela, this time...hindi ako yung unang nakipagaway. Siya!


Yung pesteng Jerome na yun!

Tatawag na talaga ako ng pest killer.

Kabwisit talaga!


BossPrincess: Eh bakit daw?


Selos? Kay Mikay.

Hahahaha.

Ang baba talaga ng mga type nun sa babae.

Baduy ang putek!


AgentYellow: Inggit

BossPrincess: Oh. Hirap niyan. Iwasan mo na lang Ger...

AgentYellow: Ger?

BossPrincess: Nickname mo okay? Hahaha.

AgentYellow: Hahaha. Dami mong pakulo.

BossPrincess: Eh kasi ang hirap i-type ng buo nung pangalan mo. Tsaka, cool nga eh. Ger! Ger! GERGER! Hahahahahaha.


I'm his TUTORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon