Chapter 28

922K 12.7K 3.2K
                                    

Friday na naman :(

Walang GTB bukas huhu, pero nakakakilig lang talaga! Stay in yaya si chichay! emeghed ♥

Anw, thank you po ulit for reading IHT until now ^_^

ILYSM x

-nerdyirel

------------------------------------------------------------------------------

Chapter 28

 

Mikay’s POV

 

“Ma, by 10 pm, andito na siguro ako” Paalam ko sa kanya habang inaayos ko yung pouch ko.

Narinig ko na kasi yung kotse ni Gino dun sa labas ng bahay nila.

Nagmamadali na ko sa pagaayos kasi sasabay ako sa kanya.

“Mikay, kahit anong oras ka pa umuwi, okay lang sakin. I understand na last night niyo na itong magkaka-classmate. Magkakahiwalay na kayong lahat after graduation. Enjoy the party. Wag mo kaming alalahanin. Ako na kakausap sa papa mo. Kahit 1 am ka pa umuwi, basta magtext ka at siguraduhin mong si Gino ang kasama mo pauwi. May duplicate key ka naman ng bahay diba?”

 

“Opo ma pero ayoko rin naman po magpa-late ng sobra”

Tumayo na ko at nagkiss na sa cheeks ni Mama. “Pasabi na lang po kila Dindi na umalis na ko. Sige ma, bye na po!”

 

“Ay anak, si Joyce ba kasama mo?”

Ha?

Bakit ko naman makakasama yun?

Halos di naman kami magkasundo nun.

“Hindi po. Bakit ma?”

“Umalis kasi siya bigla kanina. Di nagpaalam. Baka pupunta rin sa party nila Katsumi. Text mo ko pag nakita mo siya dun ha”

“Okay ma”

“Oh siya! Sige na at baka malate pa kayo. Ingat!”

“Kaw din ma! Mhuah!”

Tumakbo na ko palabas.

Simple shorts at long sleeves lang ang sinuot ko.

I'm his TUTORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon