Chapter 47

513K 7.7K 1.3K
                                    

Chapter 47


Mikay's POV


Pagkauwi namin galing mall, nagpaiwan muna ako dito sa labas para kausapin si Gino.


Ayokong nagwo-worry.

Ayokong nagiisip ng kung ano-ano.


Sa pagkakaalam ko, wala kaming problema.

Kaya bakit ganito siya ka-clingy?

Na para bang kahit isang minuto, ayaw niyang mapalayo sa'kin.


"Gino, umamin ka nga sa'kin. May problema ka ba?" Tanong ko nung nakaupo na kami dito sa porch. He suddenly looked up to me.


"Huh?"

"Come on, I'm not stupid. Nung una, akala ko nabawi ka lang talaga kaya ka sobrang sweet sa akin pero nung sabado at linggo, parang ayaw mo na ko pakawalan. Gusto mo lagi mo akong kasama"


"Nabawi lang naman talaga ako tsaka na-miss lang talaga kita ng sobra. Ang tagal nating nawalan ng time sa isa't-isa"


Bakit feeling ko, hindi siya nagsasabi ng totoo?

Masyado lang ba talaga ako nagiisip ng kung ano-ano?


"Gino, I'm your girlfriend. Kung may problema, sabihin mo na"

"Wala nga mikay"


Hinila niya ko palapit sa kanya then he wrapped his right arm around me. "Wag ka ngang praning" He laughed. "I just want to spend time with you dahil intrams na this week. Mawawalan na naman ako ng oras sa'yo at ganun ka na rin sa'kin. Okay? Wag ka na magisip ng kung ano-ano"


Tinitigan ko yung mga mata niya. He looked tired.

Siguro dahil sa maghapon kaming nasa mall.


I sighed.

Praning ka nga Mikay.

Bakit naman siya magkakaproblema?


"Sorry. Nagtaka lang kasi ako" Ni-rest ko na yung ulo ko sa shoulder niya. I feel comfortable this way.


"Di ko naman narealize na ganun na pala nararamdaman mo, sorry din"


Umiling ako. "Don't be. Wala namang kaso sa'kin eh. Sadyang nagtaka lang ako. Oo nga pala, sabay na tayo pumunta ng school bukas? Opening na ng intramurals"


"Shit, ang aga. 7 am" He groaned.

"I said don't curse!" Pagpuna ko sa kanya.

"Sorry munchkin ko hehe"


Ngumiti na lang ako.

I'm his TUTORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon