Chapter 4

1.6M 19.4K 4.5K
                                    

 LAKAS ng exposure ko dito noh? Laptrep lang. Wahaha.

-------------------------------------------------------------------------

Chapter 4

Gino's POV


*After school hours*

Pagdating sa bahay nila Kats, Si Sed excited na excited. Mukhang timang lang...

Pansin ko lang, kapag pagkain ang pinaguusapan, napaka-hyper niya.

Patay gutom lang? Hahaha.

"Tol' si JC?" Tanong ni lester sakin.

"Susunod na lang daw"


"Ah okay okay"

Papasok na sana kaming apat sa bahay nila nung may napansin kami.

Teka, si irel ba yun?

O_O

Bakit nandito sa labas?

"HAPPY BIRTHDAY!!!" Sigaw ni Sed sabay yakap kay irel. Niyakap na rin namin ni Lester yun si irel pero parang sumimangot pa siya.

First time yata yun!

"Wait lang!! Di na ko makahinga! Pinipitpit niyo na ko eh!" Sigaw niya.

Ahh....kaya naman pala. Haha.

"Happy birthday baby" sabi ni Lester.

Yup, baby tawag niya diyan.

Baby daw kasi iyakin si irel.

Napakataba ng chubby brain ni les noh?

"Pati ba naman ikaw! Teka nga! HINDI KO NAMAN BIRTHDAY! Susme, trip niyo ko?" Tumawa bigla yung mga kasama ni irel pero kaming tatlo, napatingin kay katsumi.

"Eh sabi ni Kats, birthday mo daw" Sabi ko.

"Aish! Kuya naman oh! Baliw ka talaga! Sarili kong kapatid, nakakalimutan kung kelan birthday ko"


"Sabi mo kasi maraming pagkain mamaya tapos yayayain mo yung tropa mo"


"Adik! FIESTA po kaya!"

Sabay bumelat si irel. Napakamot na lang ng ulo si Kats pero si Sed?

Ayun! Nagtatalon! Ibig sabihin kasi nun, mas marami siyang pagkain na makakain ngayon. Haha.

"WHOOHOOO!" Sigaw niya.

Natawa na lang kami then tinulak na kami ni irel papasok ng bahay pero hindi kami naglakad.

Si Kats kasi, ang sama ng timpla ng mukha.

"Oy payatot! Bakit nandito ka sa labas kasama yang mga yan?"


"Tropa ko yan kuya"

Napatingin kami sa mga kasama ni irel.

Teka, tatlong lalake ito ah!

Kahit ako, napa-frown na lang eh.

Sed: "Tropa? Niloloko mo ba ko?"


Les: "Yung totoo? Tomboy ka ba?"

I'm his TUTORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon