Chapter 48

415K 7.4K 799
                                    

Chapter 48


Mikay's POV


Day 5.

Finals.


Sinunod ko yung nakalagay sa article.

Pagmasdan ko daw yung mga kinikilos ni Gino.


Kung lagi ba siyang natingin sa phone niya at inilalayo iyon kapag nandun ako.

Kung nagaayos na siya madalas.

Kung napapadalas ba na nagpapaalam siyang aalis siya.


Pero kahit isa naman doon, wala pa siyang ginagawa.

Sadyang mas naging sweet lang siya.

At pinapagpatuloy niya yung pagiging clingy niya.


Gustong-gusto ko na ulit siya tanungin pero nung last time na ginawa ko, sabi niya wala naman siyang problema.


"Mikay!!!!" Napatingin ako sa gilid para makita si Joyce. Naglalakad siya papunta sakin.


Andito kasi ako ngayon sa gym, hinihintay magsimulay ung game. Ang daming tao at nakakagulat na nakita ako ni Joyce.


"Bakit?"

"Patago. Si Derick eh, hinahanap daw ako sabi ng classmate ko" Sabi niya sabay upo sa tabi ko.


"Hay nako joyce, eh kung sinasabi mo na kaya ng diretsahan na wala kang gusto sa kanya? Eh di sana di ka nahihirapan"


She shrugged. "I didn't say I don't like him..." She murmured.


O_O

"OH-MY-GOSH! JOYCE! GUSTO MO SI----"


Agad-agad niyang tinakpan yung bibig ko. "Alam mo nakakamiss din yang pagiging nerd mo. May advantage na tahimik ka noon"


"Hehe sorry. Nagulat lang ako! Kelan pa at bakit di ka nagsasabi?"


"Simula nung nabasa ko yung letter niya nung Monday, nagkainteres na ko sa kanya. Sabi ko sa sarili ko, why not try it. Tapos these past few days na nakikipaghang out ako sa kanya, natutuwa ako kasi sobrang bait niya at pinakilala niya na agad ako sa family niya. Pero syempre, ayoko namang isipin niya easy to get ako kaya lumalayo layo ako minsan katulad ngayong araw hihi"


"Nako, baka magsawa siya sayo, bahala ka"

"Kung mahal niya ko, di siya magsasawa"


Kung mahal ako ni Gino, di naman siguro siya mambababae.

I've seen him with a lot of girls itong mga nakaraang araw.

Mga babaeng nagkakagusto sa kanya.

Nagpapapicture, lumalandi, nagfi-feeling close...


I'm his TUTORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon