Chapter 57 ~ Forever's Not Enough

6.3K 143 49
                                    

Matteo’s close friends visited him sa house nya nang mabalitaang bumalik na nga ang kaibigan nila kay Sarah. Sigurado kasi silang bihira na lang ulit sila lalabas nang magkasama ngayong naalala na nya ulit ang girlfriend nya.

“What’s up bro (wide smile) . So now, naniniwala ka na samin na you’re too romantic? Hahaha.” One of his friends teased him.

“Haha. Yeah! E ganun talaga! You know naman na she’s the only girl na talagang pinangarap ko, di ba? Kaya pag nandyan na, kasama mo na yung pangarap mo, pakakawalan mo pa ba? (smiles)” he said.

“You’re really back bro! Cheesy! Corny! (laughs) But the most romantic and sweet naman! Hahaha So now, baka mabawasan na naman ang time mo sa training ha! Next month na Iron Man!”

“(smiles) Nope! Ngayon pa ba na sure na may maghihintay na sa akin sa finish line (smiles). Bro! I think malapit na kong magpropose sa kanya.” He said seriously.

“You sure son? I thought mahigit isang taon pa bago nyo pasukin yung kasalan?” his mom interrupted.

“(smiles) Ma, it’s just that I think tama na yung time, yung feeling na anytime, I’m ready na to be with her kasi ewan Ma! Kulang na talaga kapag di ko sya kasama! Pero if ever na magye-Yes sya, mahigit one year pa rin yung preparation kaya masusunod pa rin yung mga plano namin. (smiles) . What do you think mom?” he asked. He looked so excited kaya napatango na lang ang Mama nya.

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------

“Sir, andito po si Sir Matteo.”

Matt walked to Daddy Delfin and shook his hand.

“Wala si Sarah dito iho. Okay ka lang? Baka nakakalimot ka na naman ha? Haha.” Daddy D told him.

“Ah hindi po. Haha. Kayo po yung sadya ko Tito. (shook his head)”

Nagpaalam sya sa gagawin nyang pagpopropose kay Sarah at nagulat si Daddy Delfin sa bilis ng pagdedesisyon nya. Marami syang paalala at mga kwento tungkol sa buhay ng mag-asawa na parang tinatakot sya sa maaaring pagbabago.

“Tsaka isa pa, hindi ko din alam ang mga desisyon na gagawin ng mga ate ni Sarah. Any time, baka meron ding magpaalam sa amin na ikakasal na sila. Di ko akalain na mauuna ka pa. Seryoso ka ba talaga? Maaga pa iho. Alam kong kilala mo naman talaga si Sarah, kaming pamilya nya at sya rin, alam na nya yung mga bagay-bagay sa pamilya mo. Ready na ba talaga kayo? Hindi ko maimagine si Sarah bilang asawa, I mean, masyado ata namin syang inispoil kaya siguro hindi pa sya ganoong ka ready. Halos mag-iisang taon pa lang na di namin sya sinasamahan sa mga work at pinabayaan namin sa US noon pero ngayon, tingnan mo, kasama na naman nya ang Mommy nya sa trabaho. (sighs) Ang gusto ko lang sabihin ay pag-isipan mo munang mabuti. Kapag pumasok ka na, di ka na makakalabas.”

“(smiles) Pero Tito, bago po ako pumunta dito para kausapin kayo, sure na sure na po talaga ako. I already talked to Mom and Dad about this po. Gusto ko po sanang sabay kong sabihin sa inyo ni Tita pero di po ako makahanap ng tiempo. I will just ask Sarah and propose po pero kahit isa, dalawa o ilan taon pa yung hihintayin ko before the marriage, okay lang po. (smiles) Gusto ko lang po talagang maging official na talagang kami nang dalawa yung haharap sa altar. (smiles) Please po Tito.” Seryoso nyang sabi kay Daddy Delfin.

It Started with a Dream (AshMatt) - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon