Chapter 22: Race

10.4K 217 23
                                    

Chapter 22: Race

“AUBREY!”

            Tuwang-tuwa ang kaibigan ni Aubrey na si Lina nang makita siya nito sa music school na pareho nilang pinagta-trabahuan.

            “Uy ano bang nangyari sa’yo? Bigla-bigla ka na lang nawala! Pati boyfriend mo, pinagtaguan mo! Naka-ilang beses din ‘yong tumawag sa akin at hinahanap ka!”

            Mapaklang napangiti si Aubrey. Dalawang linggo na rin kasi siyang nagtatago sa nobyo. Nung umalis siya ng ospital, hindi siya umuwi sa tinutuluyang condo at nagpaikut-ikot lang sa Manila, staying over various resorts and inns. Hindi na rin siya pumasok ng trabaho, pero nagpaalam naman siyang mawawala nang ganun katagal.

            “May ginawa lang ako kaya ako nawala,” sagot ni Aubrey at naglakad na sa lobby ng paaralan. Sinabayan naman siya ni Lina.

            “Ano namang ginawa mo?” Puno ng pagtataka ang kaibigan.

            “Hmm... ‘Yung pagtatrabaho ko sa ibang bansa...”

            “Ano?!” Gulat na gulat si Lina. “M-magtatrabaho ka sa ibang bansa?!”

            Tumango lang siya.

            “Teka! Paano na ang kasal niyo ni Justin? ‘Di ba ayun ang tinutukoy mo no’n sa mahiwagang post mo sa FB? Malapit na malapit na kayong ikasal?”

            “Hindi ah,” malungkot niyang tanggi.

            “Ehhh...” Nanghinayang naman ito. “So natanggap na ba ni Justin ‘yang desisyon mo? Pinagtalunan niyo ang tungkol diyan kaya ka nagtago ‘no?”

            Yumuko si Aubrey at tumitig sa sahig na nilalakaran. “Hindi eh... Kami kasi ni Justin... Naghiwalay na kami...”

            Napatigil sa paglalakad ang kaibigan niya. Nang tumigil din siya at lingunan ito, halo-halo ang emosyong maaaninag sa mukha nito. Gulat, lungkot, matinding panghihinayang.

            Naiintindihan naman ni Aubrey ang naging reaksyon nito. Isa sa mga saksi si Lina ng pagmamahalan nila ni Justin—kung gaano sila kalapit, ka-sweet. Almost perfect na ang relasyon nila. Kaya nga sila tumagal ng tatlong taon eh.

            Pero hindi ko na kayang ituloy at patagalin pa ang relasyon namin... After all that happened, after all I’ve done...

            “Lina,” hinawakan ni Aubrey ang kamay ng kaibigan. “May pabor sana akong hihingiin sa’yo.”

            “Anong pabor ‘yon?” Napakalungkot nitong tanong.

            “Kapag tinawagan ka ulit ni Justin...Huwag mo sabihin sa kanya na mag-iibang bansa ako ah? Ayoko na kasing habulin at hanapin niya pa ako.” Saglit siyang napakagat ng labi.

            Nasasaktan siya. Nagpo-protesta ang puso niya sa kanyang desisyon. Pero desidido na siya.

            Huminga siya nang malalim bago may kinuha sa sakbit na shoulder bag—isang sobre.

            “At saka pakisabi na rin kay Justin na may pinabibigay akong sulat sa kanya at kunin na lang niya ‘yan sa’yo.”

            “Okay... Sige...” Malungkot na kinuha ni Lina ang sobre.

            Napangiti naman si Aubrey sabay yakap sa kaibigan. “Maraming salamat, Lina. At pasensya na kung binigla kita sa mga nangyari. Ganun talaga eh.” Ganun talaga ako katanga.

Haunting Aubrey (SEXY BLACK Duology Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon