Chapter 18: Feelings, Emotions

8.4K 176 18
                                    

Dedicated to @DemiBaby – Jongina ka, bakla. Watch your mouth. Haha charot. Labyu :*

----

Chapter 18: Feelings, Emotions

SAKIT NG ULO ang unang-unang kinaharap ni Justin pagkagising niya nung umaga. Why not, eh nilunod niya ang sarili sa alak kagabi.

            Nang maalala niya ang dahilan kung bakit ba siya nagpakalasing, napaungol siya at sinabunutan ang sarili.

            Aubrey... Why did you have to be that kind of woman?

            Masama ang loob niya sa maraming kadahilanan. First, the woman who he had loved so damn much was keeping such secret from him. Such dirty secret. Mula nang makilala niya ito, napakalaki ng respeto niya rito. He knew she worked very hard to become what she was today—pero hindi sa ganung paraan. Inakala niya tuloy ay inosente pa ito dahil madalas din nitong pigilan ang ilang beses nang kamuntikang may mangyari sa kanila. Inakala niya na naniniwala ito na dapat mauna ang kasal bago iyon—which Justin used to believe na napaka-absurd. Nagbago na lang ang paniniwala niyang iyon dahil kay Aubrey—because he found her as a woman worth marrying and spending his lifetime with.

            Pero ayun pala, mali ang mga akala ko? Mali pala ang pagkakilala ko sa kanya?

            Justin was having a hard time accepting the fact that the woman he loved was able to sleep with any man just for money. Hindi rin niya maiwasang makaramdam ng selos sa lalaking nakauna rito.

            Well, it wasn’t really about who was Aubrey’s first. Pero ‘yung selos, naroon eh. It was like he had been in love with her since forever, kahit nung hindi pa sila magkakilala.

            Damn that man.

            Galit na galit siya. Nararamdaman niyang mapapatay niya ang sinumang gumalaw kay Aubrey noon kapag makilala niya ito.

            “Aubrey...”

            Now he recalled the first time he laid his eyes on her. Aubrey was playing the piano on stage—superbly—showing how talented she really was. Hindi nga lang talento ang pinakita nito eh eh, kundi pati ang tapang nito bilang babae. And on that moment, Justin felt something new for the first time.

            Love? Hindi niya maamin iyon dati sa sarili. Love was another thing he believed to be absurd. Until he talked to Aubrey personally—until he saw her that close—until he had the chance to hold her hand.

            On that very moment, he found out that love was not really how he believed it so. Nakakaloko lang, not absurd. Hindi naman kasi kagaya ni Aubrey ang tipo niyang babae pagdating sa physical features. Physically, Aubrey was nothing like his past girlfriends na nabiyayaan ng laman. But damn, si Aubrey lang ang nagpabaliw sa puso niya. Ito lang ang babaeng ginusto niyang palaging makita, makausap, makasama, and eventually, mapangasawa.

            Umupo na si Justin sa kanyang higaan at pinakiramdaman ang puso niya. At ganun pa rin ito. Kahit isipin niya lang si Aubrey, nagwawala na ito na parang baliw.

            Mahal na mahal ko pa rin siya...

            At that, nagawa na ring bumukas ng isipan niya sa nararamdaman ng kanyang puso.

            Ano naman ba kung naging ganung babae siya no’n? Nakaraan na lang niya ‘yon. Kaya ko ‘yung tanggapin, makasama lang siya habangbuhay. Kasi mahal ko siya—siya lang.

Haunting Aubrey (SEXY BLACK Duology Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon