Chapter 1: A Part of The Past

34.8K 480 21
                                    

Chapter 1: A Part of The Past

APAT NA TAON na ang nakalilipas, pero napakalinaw pa rin sa alaala ni Aubrey kung paano nagsimula ang lahat sa kanilang dalawa.

            “Pasok,” salita ni Aubrey nang may biglang kumatok sa kuwartong pinagpapahingahan niya. Katatapos lang ng classical musical concert na tinugtugan niya sa Germany. Kaya sa totoo lang, gusto na niyang magpahinga.

            Bumukas ang pinto, at tumambad sa kanya ang isang binata na naka-dark gray suit—without any ties. Matipuno ang pangangatawan nito at may nakaka-akit na ngiti.

            “Uhm, hi.” Bati nito.

            Tensyonado namang napatayo si Aubrey mula sa kinauupuan niyang velvet couch. “H-Hi?”

            Amused na natawa ang binata. At sa pandinig niya, parang musika ang tawa nito. “Did you just ask me a question?”

            Napasimangot si Aubrey. Pakiramdam niya ay nagmukha siyang katawa-tawa sa harapan nito. “If you consider hi a question, then I just asked you one.”

            “Woah,” napatigil sa pagtawa ang binata at tinaas ang dalawang kamay. “Seems like I offended you. Sorry. It wasn’t my intention, I swear.”

            Napairap lang siya.

            “Anyway,” naglakad ito papalapit sa kanya. “I’m one of the audience out there. And minutes ago, I witnessed how you played the piano. Your playing was superb—ah, no—you were the one who was superb up on that stage. Napakagaling nang tumugtog, napakaganda pa.”

            Aubrey’s heartbeat raced at those words. Her cheeks flushed, becoming much redder now than the blush on she had put on herself before her stage performance.

            “Oh, by the way, Miss Aubrey de Vera,” patuloy ng binata.

            Naiilang na niya itong binalikan ng tingin, at kung anu-ano na ang napansin niya rito ngayong magkalapit na sila. Talaga palang matipuno ito. Talagang nakaka-akit ang ngiti nito. Just like the man she always dreamt of spending the rest of her life with.

            “I’m Justin Calleja, anak ng isa sa mga major sponsors ng concert na ‘to.” Nag-abot ito ng kamay for a handshake. “But aside from that, I’m also a fan of yours—I’ve just become one now after I witnessed your performance. So I’m very, very glad that I got to meet you personally.”

            Sa napakasayang tono ng binata, hindi niya maiwasang ma-flatter. He sounded so honest, so sincere.

            Nahihiya niyang inabot ang kamay nito. At sa pagdikit ng mga balat nila, nakaramdam siya ng parang kuryente na dumaloy mula mga daliri niya papunta sa tiyan niya.

            Siya... Aubrey thought as she shook the young man’s hand, staring at his deep brown eyes. Siya ang lalaking gusto kong mahalin at mapakasalan... Sana siya na lang ang naka-tadhana sa’kin...

                                                           ***

NOW, AFTER FOUR YEARS, ito na nga ang lalaking nakatadhana niyang pakasalan—si Justin—ang lalaking pinangarap niya.

            “Beautiful,” tulalang napapalakpak sa kanya si Justin pagkalabas niya ng fitting room. “The most beautiful bride-to-be I’ve ever seen.”

Haunting Aubrey (SEXY BLACK Duology Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon