Chapter 19: Bloody Mess

8.2K 199 30
                                    

Chapter 19: Bloody Mess

AUBREY WAS FEELING sick. Mula paggising niya—well actually, mula pa nung iwan siya ni Justin kahapon, hindi na siya umalis sa higaan niya. Nanatili lang siyang nakahiga roon habang maya’t mayang umiiyak.

            She was hurt. Her heart was broken. Pero may karapatan ba siyang magreklamo sa sakit na nararamdaman niya ngayon?

            No... This is all my fault. I did this to myself. Kung noon palang sinabi ko na iyon kay Justin, hindi ko na ‘to dapat pinagdadaanan ngayon.

            And... I do not deserve him. Tama lang ‘to sa akin. For a dirty woman like me, I do not deserve anyone like him.

            Aubrey curled herself on the bed and started crying again. Sobra niyang kinakaawaan ang sarili. Ngayon, mag-isa na naman siya. Wala siyang karamay. Wala siyang mahingian ng tulong.

            Bakit pinagdadaanan ko na naman ‘to?

            “Aubrey.”

            Natigilan siya sa pag-iyak nang marinig niya ang boses na iyon. Pinunasan niya ang kanyang mga luha bago umupo at tumingin sa pintuan ng kuwarto niya.

            “J-Justin?”

            Bumilis ang tibok ng puso niya nang makita ito. Mukha itong malungkot at pagod na ikinatuwa naman niya.

            He’s back to make up with me.

            Hindi ito gumagalaw kaya siya na lang ang bumangon at lumapit dito.

            “Justin...” Huminto siya sa harapan ng binata, pero hindi siya nakatiis. Niyakap niya rin ito agad at saka naiyak. “J-Justin, sorry for not telling you my past right away. Sorry. N-natakot lang talaga ako na hindi mo ako matatanggap. And sorry rin if I, I did that to myself before. K-kasi, wala na akong ibang magawa noon. I... I was already desperate. Hindi ko ginustong maging ganung babae pero wala na akong ibang choice.”

            Gumaan ang pakiramdam niya nang gantihan siya nito ng yakap.

            “Oh Justin. I love you. Thank you binalikan mo ako.” Tiningala niya ang nobyo nang may ngiti sa kanyang mga labi.

            Pinunasan ni Justin ang mga luha niya bago inilapit ang mukha upang halikan siya.

            Aubrey kissed him back, even letting him deepen it and push her toward the bed. Without breaking the kiss, he carried her up and laid her down there. Nanatili ito sa ibabaw niya at patuloy siyang hinahalikan habang ang isang kamay nito ay gumagala na sa ilalim ng kanyang damit.

            Aubrey was already willing to give herself to him. But she then felt his kiss on her lips becoming different by the second. Different in a wrong way. His kiss was getting rough—rough not due to strong desire but anger.

            Yes, anger. Aubrey was sure of that. And she didn’t want it. Hindi niya gustong may mangyari sa kanila sa ganung paraan.

            “Mm,” sinubukan niyang itulak si Justin palayo pero hindi ito nagpatinag. Inikot pa niya ang kanyang mukha para makaiwas na sa halik nito pero hinawakan siya nito sa baba at pinilit muli siyang halikan sa labi, pababa sa leeg niya. “J-Jus?! Hey, s-stop!”

            Nang hindi ito madala sa tulak ay binira na niya ito.

            “I said stop! Justin!”

Haunting Aubrey (SEXY BLACK Duology Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon