Chapter 5: Violinist

13K 256 9
                                    

Chapter 5: Violinist

THE BLACK, SPAGHETTI-STRAPPED dress Aubrey bought yesterday was perfect. Saktong-sakto ang fit nito sa kanya, tamang-tama ang bagsak nito sa itaas ng mga tuhod niya, at bagay na bagay sa kanya ang kulay at simpleng disenyo nito.

            Nag-aayos siya sa tapat ng whole body mirror, nang mapansin niya si Justin sa repleksyon nito. Nakasandal ito sa gilid ng frame ng pintuan ng kuwarto niya, at nakangiting nakatitig sa repleksyon niya sa salamin.

            “What?” Natatawa na naiilang niyang tanong sa nobyo through their reflection. Alam niya kasi ang ibig sabihin ng pagtitig nito sa kanya. Alam niya kung anong kasalukuyang naiisip at nararamdaman nito. The same thoughts and feeling were actually pushing her to do something—to go to him, to kiss him, to make him carry her to the bed, and to—No, no, no! Aubrey quickly shoved those thoughts away.

            “Do you think we still have to attend the party?” Ayan na. Justin was starting to reveal what he was feeling and thinking deep inside.

            “Yes, we still have to, baby.” Umikot na si Aubrey para maharap ang nobyo. Dinampot niya sa kama ang kanyang black-and-gold pouch bag, bago siya lumapit kay Justin. Niyakap niya ito sa braso at saka mabilis na hinalikan sa labi. “Let’s go?”

            Ngumiti naman ito, bago hinawakan ang kanyang kamay. “Let’s go.”

                                                            ***

HINDI NA NAMANGHA pa si Aubrey sa pagka-engrande ng birthday party ng ina ni Justin. Sanay na kasi siyang dumalo sa mga ganung klase ng social gatherings.

            Sa pagpasok nila sa malaking hardin ng mansion nina Justin kung saan ginaganap ang party, maraming kamag-anak at kaibigan ng pamilya Calleja ang bumati sa kanilang mag-nobyo. Karamihan sa mga ito, tinutukso sila kung malapit na ba silang magpakasal. At dahil ang plano nila ay surpresahin ang mga ito sa ipapamigay nilang imbitasyon isang linggo bago ang mismong wedding date nila, ang sinasagot lang nilang dalawa sa mga ito ay, “Soon,” na may kasamang napakatamis na ngiti.

            “Justin! Aubrey! Oh my very beautiful daughter-in-law.” Niyakap si Aubrey ni Jayda, ang ina ni Justin, nang makita sila nito.

            “Happy birthday po, Tita Jayda.” Niyakap rin ito ni Aubrey.

            “Baby,” nakangiti siyang tinawag ni Justin. “Hanapin ko lang si Renton ah, then I’ll get foods. Just stay here with Mom okay?”

            Tumango si Aubrey kay Justin, at binitawan naman na nito ang kamay niya para hanapin ang ten-year old brother nito.

            “Aubrey,” pinakawalan na rin siya ng ina ni Justin at hinawakan na lang ang magkabilang pisngi niya. Doon niya napansin kung gaano ito kaganda. Nasa 50’s na ang edad nito, pero parang nasa 30’s pa lang ang itsura ito. “Excited na ako sa pagtugtog na gagawin mo mamaya. Ah, nasaan na pala ang makakasama mo?”

            Aubrey was going to play the piano later with a violin accompaniment—na special request ng ina ni Justin—so may makakasama siya mamaya sa pagtugtog sa harap ng maraming tao.

            “Ah, si Lina,” Aubrey smiled. “Wala pa po siya eh. But she’ll come. Tinext niya po ako kanina. Sabi niya male-late lang daw po siya nang unti.”

            An old couple then interrupted them to greet Justin’s mom. “Oh Aubrey, excuse me saglit ah?” Malambing na paalam nito bago lumayo para i-entertain ang ibang bisita na gusto itong batiin.

Haunting Aubrey (SEXY BLACK Duology Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon