Ocho

9.3K 164 31
                                    

Kazee's POV


"Man!"


"Bro!"


Sabay pa ang dalawa sa pagbati kay Nathan.


"Kelangan niyo?"


Agad kaming natawa. He's so harsh!


"Wala lang. Let's drink, Kazee said yes." ani ni Zach at inakbayan ako.


Dumapo ang tingin ni Nathan sa kamay ng kaibigan sa balikat ko. Kita ko ng pagdilim ng mata niya pero hindi siya umangal.


"I have things to do. Get out. Both of you." pagtataboy niya.


Zach pouted like a kid. I just can't imagine! Kalalakeng tao! Nailing na lang ako sa kanila. He's so much approachable compared to Brock. Dahil kahit hindi mo kinakausap, hindi matigil ang bibig sa kakatalak.


"Nathan do you have girlfriend?" tanong ko nang seryoso siyang nagssketch sa sala. His friends already left so I wanted to ask him about what I heard but I realized I shouldn't.


"Wala, ikaw?"


"Wala din. I'm not a lesbian." Sambit ko.


Agad na nagsalubong ang kilay at tinignan ako ng masama.


"Bobo talaga." Insulto niya sa akin kaya natawa na lang ako.


"I do have a boyfriend." Sambit ko.


Napatigil siya sa pagssketch at napatingin sa akin.


"That kiddo?" He asked.


Nang marealize kong si Aldrew ang tinutukoy niya ay agad akong natawa. Aldrew? Kiddo?


"Ikaw. Will you be my boyfriend?" Walang hiya kong tanong.


Napailing na lang siya at nagsimulang magdrawing ulit.


"Thanks about the sketchpad. I realized I have talent in drawing." I giggled.


"Anong ginuhit mo?"


"Karamihan ay damit. Pero madami ding.."  Pabitin kong sambit.


"Ano?"


"Ikaw."


"Wala na bang mas ikakapal ang mukha mo?" He shrugged.


Ngumuso na lang ako at pinanuod siyang magdrawing. Naging hobby ko na kasi. Kapag nagpupuyat siya sa kagagawa ng mga plates, nagpupuyat din ako sa kapapanood sa kanya. I just wanted to do it, without asking for anything in return.

Treacherous Battle (Salvaje Caballero Series 2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon