Siete

9.2K 174 20
                                    

Kazee's POV


"No! Gusto ko pang sumayaw!" pagpupumilit ko at pilit na tinatanggal ang kamay ni Nathan.


But I failed. He's too strong!


"Bumalik ka sa jowa mong pangit!" pagaalburoto ko.


He remained serious so I punched his chest. I feel like I'm being cheated on!


"Bumalik ka sa pangit mong girlfriend!" pagtataboy ko.


"You're drunk." He stated the obvious.


Wala na din akong nagawa nang higitin niya ako palabas sa bar. Hanggang sa makarating kami sa condo niya ay hindi kailanma'y natibag ang madilim niyang mukha.


Nang makapasok kami sa condo niya ay pageywang geywang na ang lakad ko.


He held my waist to prevent myself from falling. I giggled when his scent filled my nose. Mixture of mint and manly scent, mas nalasing pa ako.


"Bango ng bibi ko!" I giggled and sniffed his chest.


Basta niya na lang akong tinulak sa kama ko. Mas umikot ang paningin ko dahil sa pagkasalampak.


Can he be nice? And soft? Damn! Ano ako? Unan?!


"Loveeeeeeeeee." Ani ko nang maramdaman kong tinanggal niya ng heels ko.


"Love mo mukha mo." Matigas niyang sambit. Agad akong natawa.


"Selos ka?" Asar ko.


Hindi na lang siya umimik. Akmang tatalikod na siya nang nahablot ko ang laylayan ng damit niya.


"San ka pupunta?" I asked with my eyes half closed.


Hindi siya umimik at inalis ang kamay ko. Gamit ang kanyang hintuturo, itinulak niya ang noo ko kaya napahiga ako sa kama. He's so cruel!


"Huwag kang uminom kung hindi mo kaya. Nakikita ko ang kapatid ko sayo. I wasn't able to stand it if my sister was you. So quit assuming. I don't and I will never like you." Malamig niyang sambit at umalis.


Kahit lasing ay hindi ko maintindihan kung bakit may namuong sakit sa dibdib ko. I wasn't serious right? Eh bakit parang masakit?


Kahit lasing ay pinilit ko ang sariling maligo. Nakailang tumba ako sa banyo dulot ng pagkalasing.


Agad akong nakaramdam ng ginhawa pagkatapos. Kinalikot ko ang phone at nakita ang mensahe.


Fr: Aldrew

Someone's jealous. Sa susunod huwag kang mag aya kung may asungot hahahaha


Treacherous Battle (Salvaje Caballero Series 2) Where stories live. Discover now