Chapter 33

750 29 2
                                    


Chapter 33

Company

Pagkabalik ko sa bulwagan, may iilang mga guests ang lumapit sa akin para makipagkamustahan kaya hindi agad ako nakabalik sa table namin nila Elise. Mabuti na din iyon dahil wala naman na talaga akong balak bumalik sa table na 'yon.

"Are you going to work here in Philippines for good? I wanna see your products!" Ani ng matandang ginang.

Ngumiti ako at umiling. "Ah, no, Madame. I'm only here for a short vacation. Baka weeks lang po ako dito at siguro'y pinakamatagal na ang one month."

Dahil wala naman talaga akong planong mag stay pa ulit dito sa Pilipinas. Maganda na ang buhay ko sa New York, kaya lang, hindi maiwan-iwan ni Papá ang lalawigan ng Quintana. Sobrang mahal niya ito kaya kahit anong anyaya ko noon sakanya na doon na kami mamalagi sa New York, hindi siya pumapayag.

Siya lang naman ang rason kung bakit napabalik ako dito sa Pilipinas. Kaya lang, ang makita ulit sila Zeid at Lyra ay nagbigay sa akin ng isa pang rason kung bakit gusto kong manatili dito kahit hanggang isang buwan lang.

Simple lang, papahirapan ko din sila.

"That's so sad, hija! But then, siguro ay na-trauma ka sa mga nangyari noon that's why you chose to stay in New York na." Saad nito. "But, can I have a chance to see your products? Nakabili ako ng isa mong pabango noon, e! Kaya lang noong naghahanap ako, ang sabi ng iilan ay for exclusive lang sa New York ang mga perfumes mo."

Ngumiti ako. "I'll see, Madame." Tanging sambit ko dahil wala din akong interes na i-launch ang products ko dito sa Pilipinas.

Natigil sa pagsasalita ang ginang at bahagyang napabaling ang tingin sa tabi ko. Kumunot ang noo ko ngunit bago pa ako makapagtanong, isang mainit na kamay ang umangkin sa bewang ko.

Bumungad sa akin ang supladong mukha ni Zeid. Saglit akong nagulat ngunt agad ding nakabawi. Hindi naman alam ng ginang ang gagawin dahil sa biglang pagdating ni Zeid.

"Good evening, Mrs. Patriosa.." baritonong saad ni Zeid.

Ngumiti ito at binati si Zeid. Sumulyap sa akin ang ginang at nagpaalam na. Nakangiti akong tumango at nagpasalamat sa kaunting pag-uusap namin kanina. Nang mawala ito ay agad kong tinanggal ang kamay ni Zeid sa bewang ko.

Ano bang ginagawa ng isang 'to? Ano na lang ang iisipin ng mga taong nakakita?

Fuck. Pinaglalaruan nanaman ba ako ng isang 'to?

"What the fuck are you doing, Zeid?" Pagalit kong bulong sa kanya.

Inosente niya akong tiningnan at nagkibit ng balikat. "What? Wala naman akong ginagawa." Maang-maangan niya.

Umirap ako. "Back off. Puwede ba?" umiling ako at naglakad na papalayo sa kanya. Hahanapin ko na lang si Papá, nasaan ba 'yon? Gusto ko ng magpahinga pero magpapaalam muna ako kay Papá.

Naramdaman ko ang pagsunod ni Zeid sa akin sa likod. Napairap ako. Parang aso siyang sumusunod sa akin dahil kung saan ako liliko, doon din siya liliko!

May lalaking akmang lalapit sa akin ngunit nang makita ang bwisit na Zeid sa likuran ko, agad umatras. Asshole!

"Ano ba? Didn't I tell you to stop bugging me?" Iritado ko nang sambit.

Nagtaas siya ng kilay. May multong ngisi ang namumuo sa kanyang labi.

"Didn't I tell you too that I will make you fall for me again?"

Ngumiwi ako. "Did I gave you a permission? Back off, Salonga. I don't do boyfriends."

Hindi siya nagsalita kaya tinalikuran ko ulit siya. I couldn't find my dad so I decided to go back in our seats. Wala akong choice. Hindi puwede na umakyat na lang ako sa kuwarto ko at iiwan dito ang Papá ko.

The Governor's DaughterWhere stories live. Discover now