Chapter 13

677 28 2
                                    


Chapter 13

Asawa

Tahimik lang na nakikinig sa akin si Zeid habang kinukuwento ko sa kanya ang mga nangyari ngayong araw. Nandito kami sa gate 2 ng St. Claire at hinihintay ang sundo ko.

"Did you have fun?" Tanong niya nang matapos ako.

Ngumiti ako at bumaling sa kanya. "Super! Kahit na may ibang hindi ako gusto, okay lang."

Tumango siya at ngumit. Just. Damn. That. Smile.

Kailan pa ako natutong magmura?

"It's okay, Georgia. No need to think about them." Aniya. "Basta ako, gusto kita." dagdag niya na nakapaglaglag ng panga ko.

Hind agad ako nakareact doon. Nakita ko si Manong Loteng at Amando na lumabas sa kotse na nasa harap namin. Nandito na pala sila!

Binalingan ko si Zeid. "A-Ano ulit yon?" Paninigurado ko dahil baka namali lang ako ng rinig.

He smirked and shook his head. "Wala. Sige na, andyan na ang sundo mo."

Sumimangot ako. "Zeid!"

"Miss Georgia, nanghihintay na po si Go–"

Kinabahan agad ako at hinila si Manong. Kumaway ako kay Zeid habang nakangisi lang siya sa akin. Pinagbuksan ako ni Amando.

Sa byahe pauwi, pinagsabihan ko si Manong na mag ingat sa mga pinagsasabi niya. Nanghingi naman siya ng tawad sa akin. Grabe lang yung kaba ko kanina sa kanya dahil baka masabi niya na Governor, imbes na Papá ko. Nawala tuloy sa isip ko yung narinig kay Zeid.

Buong gabi ko kinulit si Zeid na ulitin ang sinabi niya dahil baka nagkamali lang ako. Hindi niya ako pinagbibigyan.

"Kumusta ang school, Georgia?" Nag angat ako ng tingin at nakitang si Papá ang pumasok sa kuwarto ko.

Ngumiti ako. "I made some friends again, papá." Pagtukoy ko kila Martin at Aries.

Hinaplos niya ang buhok ko. "That's good. Are you happy?"

"Of course, Papá! It's all because of you.. Thank you so much, Papá.." hinagkan ko ang ama.

Tumawa si Papá sa akin. "It's nothing, Georgia. As long as you are happy, I will do everything just to keep you happy.."

Napangiti ako. Tonight, I saw a man with a golden heart. By the way, he is my father. Sa nagdaang taon, napagtanto ko na wala siyang ibang ginawa kundi protektahan ako. Ako na natitira niyang pamilya.

Nagkuwentuhan pa kami ni Papá saglit at nagbigay pa siya ng ilang tips tungkol sa college life ko. Isang taon lang ang itatagal ko sa University dahil Graduating ako. I spent my three years in college as home schooled.

Kaya naman gusto kong maranasan lahat at gawing memorable ang isang taon ko dito sa St. Claire.

Kinabukasan, naging abala muli ako sa klase.  I must say na nagseseryoso talaga ako. Gusto ko din kasi magkaroon ng honors pag sa graduation.

Sa pang apat na subject namin sa araw na ito ay magkakaroon daw ng oral recitation. Umalma agad ang mga kaklase ko dahil pangalawang araw pa lang ng klase at ito ang bungad sa amin.

"Silence! Walang magagawa 'yang pag ngawa niyo dahil magpapa-oral recitation pa din ako. I will give you ten minutes to familiarize this.." ipinakita sa amin ng Professor namin ang iilang mga pictures with definitions ng mga equipments sa pag gawa ng perfume.

Kaya naman kahit labag sa kalooban ng iba ay tumahimik na lang sila at naki-memorize na din. Tinatandaan ko na lang iyong mga definitions ng mga nasa larawan dahil alam ko na iyong tawag doon sa mga picture.

The Governor's DaughterWhere stories live. Discover now